Boac, Marinduque – Namahagi ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Marinduque ng mga bagong tsinelas mula sa Yakult Employees Credit Cooperative sa tulong ni Atty. Paul Malapote sa 64 monitored na bata ng programa sa Tambunan Elementary School sa Boac, Marinduque noong Enero 22, 2018.

Layunin ng inisyatibong ito na magbigay-saya sa mga bata na pumapasok sa eskwelahan ng walang sapatos o tsinelas kahit na laging maputik sa lugar at mahirap ang daanan.

Sa inisyatibo nina Municipal Link Marja Fababaer, Social Welfare Assistant Aldin Pineda, at Provincial Grievance/Monitoring and Evaluation Officer Tin Paras, nakipag-ugnayan sila sa punung-guro ng eskwelahan na si OIC Cleobilly J. Valentino upang maisakatuparan ang pagbibigay-handog sa mga batang ito. ###

 

Photos grabbed from Pantawid Marinduque FB Page

 

Loading