Nakiisa sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up Day ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa MIMAROPA noong ika-19 ng Setyembre 2020.
Sa temang “Safe Oceans Start at Home”, sabay-sabay na naglinis ang mga benepisyaryo sa tabing-dagat katuwang ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng International Coastal Clean-up Day na ipalaganap ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga at pagprotekta sa mga karagatan at iba pang anyong-tubig.
Siniguro naman ang physical distancing at pagsusuot ng facemasks habang isinasagawa ang nabanggit na aktibidad. ###

 43 total views,  1 views today