Upang mapalakas ang kamalayan ng kabataan laban sa karahasan, nagsagawa ang DSWD MIMAROPA, sa pamamagitan ng MIMAROPA Youth Center (MYC), ng learning session hinggil sa Safe Spaces Act (RA 11313) at Anti-Violence Against Women and Their Children Act (RA 9262) noong Disyembre 12, 2025 sa MYC Multipurpose Building, Bansud, Oriental Mindoro.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga Children in Conflict with the Law (CICL) at mga kawani ng MYC mula sa ibaโ€™t ibang service sections bilang bahagi ng pagdiriwang ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women.

Tinalakay ng mga kinatawan ng Bansud Municipal Police Station, na sina Pat. John Edward C. De Guzman at PCpl. Diana Rose I. Manalo, PCR-PNCO, ang mga anyo ng gender-based harassment at pang-aabuso, mga probisyon ng umiiral na batas, at ang mga kaakibat na parusa sa mga paglabag. Binibigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng paggalang at pananagutan sa pribado at pampublikong espasyo.

Ayon kay MYC Center Head Maricris M. Silla, patuloy ang pagsusumikap ng sentro na makapagbigay ng ligtas at gender-responsive na kapaligiran para sa mga kabataan. Nagkaroon din ng open forum na nagbigay-daan sa aktibong pakikilahok ng mga dumalo.

Bilang suporta sa adbokasiya, namahagi ang MYC ng IEC materials at nagpakita ng pakikiisa sa social media, bilang bahagi ng patuloy na panawagan ng DSWD MIMAROPA para wakasan ang karahasan laban sa kababaihan.

 

Loading