TINGNAN: Aktibong nakiisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA sa pamamagitan ng MIMAROPA Youth Center (MYC) virtually sa taunang pagdiriwang ng โ€œBalik Sigla, Bigay Sayaโ€ noong ika-6 ng Disyembre 2025.

Ang programa ay inisyatibo ng Palasyo ng Malacaรฑang sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand E. Marcos Jr. at ng Unang Ginang na si Gng. Liza Araneta-Marcos para sa mga batang nasa pangangalaga ng pamahalaan.

Dinaluhan ang selebrasyon ng mga bata mula sa ibaโ€™t ibang Center Residential Care Facilities (CRCFs) ng DSWD sa buong bansa, gayundin ng mga piling paaralan mula sa Department of Education (DepEd).

Layunin ng โ€œBalik Sigla, Bigay Sayaโ€ na ipadama sa mga kabataan ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng saya, pag-asa, at pagmamahal, lalo na sa mga batang higit na nangangailangan ng kalinga at suporta mula sa pamahalaan.

Tampok sa pagdiriwang ang ibaโ€™t ibang parlor games, mga mensahe ng pasasalamat, at sama-samang salu-salo.

Lubos ang pasasalamat ng mga kawani at residente ng MIMAROPA Youth Center sa Palasyo ng Malacaรฑang at sa DSWD sa ipinamalas na malasakit at pagkalinga na nagbigay-sigla sa mga kabataan ngayong panahon ng Pasko.

Loading