Sa pagpasok ng bagong taon, ating balikan ang mga kwento at mahahalagang aral na ibinahagi ng mga Tutor at Youth Development Worker (YDWs) ng Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) mula sa pilot implementation ng programa sa MIMAROPA ngayong 2025.
Sa pamamagitan ng TBTP, ang DSWD MIMAROPA ay nakapagbibigay ng pagkakataon sa college student-beneficiaries na makalikha ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng mga batang mag-aaral at mga magulang na kanilang tinuturuan. Sa tulong din ng programa, mas napapaunlad ang kanilang kumpiyansa sa sarili, kakayahan sa pamumuno, kasanayan sa paglutas ng problema, at mas malalim na diwa ng paglilingkod sa kapwa sa pamamagitan ng pagtuturo.
Layunin ng TBTP na mas palawakin at pagtibayin pa ang kultura ng pagkatuto sa mga komunidad na abot nito at patuloy na mas linangin ang kakayahan ng mga benepisyaryo patungo sa mas magandang edukasyon at kinabukasan.

Loading