Habang papalapit ang bagong taon, muli nating pakinggan ang mga karanasan at mahahalagang aral na ibinahagi ng Youth Development Workers (YDWs) ng Tara, Basa! Tutoring Program mula sa pilot implementation ng programa sa MIMAROPA ngayong 2025.
Sa pamamagitan ng TBTP, tinutulungan ng DSWD MIMAROPA ang college student-beneficiaries na makagawa ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng mga bata at magulang na kanilang tinuturuan.
Higit pa sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagbasa at pagbabahagi ng kanilang kaalaman, hinuhubog din ng programa ang kanilang leadership skills, confidence, at sense of service na nakatutulong sa kanila tungo sa mas makabuluhang ambag sa nation-building at tungo mas maliwanag nilang mga kinabukasan.

Loading