Poblacion, Bansud, Oriental Mindoro โ€” Idinaos ng DSWD MIMAROPA Youth Center (MYC) ang Childrenโ€™s Month cum Family Day Celebration noong Nobyembre 7, 2025, upang palakasin ang ugnayan ng mga residente at kanilang pamilya.

Binuksan ang programa sa Family Development Session (FDS) / Parent Effectiveness Service (PES) na pinangunahan ng Resource Person mula sa 4Ps, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng positibong disiplina, komunikasyon, at suporta ng pamilya sa pag-unlad ng kabataan. Sinundan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa bilang sandali ng pagninilay at pasasalamat.

Nagbigay ng mensahe si Ms. Monina D. Pechon, Social Welfare Officer III at OIC-Center Head, na nagpatibay sa pangako ng MYC na magbigay ng ligtas at mapagkalingang kapaligiran para sa mga kabataan. Hinimok niya ang mga pamilya na manatiling aktibong katuwang sa kanilang proseso ng rehabilitasyon.

Tinapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng sama-samang pagkain, laro, at bonding activities na nagbigay ng pagkakataon para sa mas malalim na pagkakaisa ng pamilya. Nagpasalamat ang MYC sa lahat ng dumalo at sumuporta sa aktibidad.

Loading