BANSUD, ORIENTAL MINDORO โ€” Muling umapaw ang sigla at malikhaing diwa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) โ€“ MIMAROPA Youth Center (MYC) matapos idaos ang taunang Parol, Christmas Tree, at Dorm Decoration Contest bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Mula Nobyembre 12 hanggang Disyembre 4, masigasig na naghanda ang bawat dorm upang likhain ang kani-kanilang makukulay na parol, orihinal na Christmas tree, at masiglang dekorasyon para sa dormitoryo.

Lahat ng likha ay ginamitan ng mga recycled at indigenous materials bilang suporta sa pagsusulong ng makakalikasan, pagkamalikhain, at pagre-repurpose ng mga materyales na ibinigay ng Center.

Noong Disyembre 5, isinagawa ang opisyal na Judging Day, kung saan masusing sinuri ng mga hurado ang bawat entry mula sa ibaโ€™t ibang dorm.

Tampok din ang intermission number mula sa resident band, gayundin ang mensahe ng Center Representative at ni Ms. Monina D. Pechon, SWO III, na nagpaabot ng kanilang pasasalamat at paghikayat sa mga kabataan.

Layunin ng programa na higit pang patibayin ang samahan ng bawat dorm, hakutin ang malikhaing pagpapahayag, linangin ang disiplina at teamwork, at higit sa lahat, ipagdiwang ang diwa ng Pasko sa loob ng MYC.

Sa pagtatapos ng aktibidad, ipinagmamalaki ng DSWD ang dedikasyon at talento ng mga residente na tunay na nagbigay liwanag at kulay sa komunidad ngayong kapaskuhan. ๐ŸŽ‰

Loading