Sa katulad na aktibidad ng ECT pay-out ng DRMD, bilang bahagi ng tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong TINO, pinangunahan ng National Household Targeting Section (NHTS) ng DSWD MIMAROPA ang BBM Serbisyo Web Application authentication noong Disyembre 20, 2025 sa Taytay, Palawan.
Layunin ng aktibidad na masiguro na ang mga benepisyaryo ay rehistrado sa Philippine Identification System (PhilSys). Sa pamamagitan ng BBM Serbisyo, awtomatikong naitatala sa DSWD Social Registry ang impormasyon ng mga na-verify, na nagsisilbing batayan sa mas maayos at mabilis na pagpapatupad ng mga programa at tulong ng ahensya.
Ang BBM Serbisyo o “Basta Beripikado, Mabilis ang Serbisyo” ay isang web application na naglalayong beripikahin kung ang isang benepisyaryo ay rehistrado na sa PhilSys. Kapag na-verify, ang impormasyon ay awtomatikong naitatala sa DSWD Social Registry upang mas mapadali at mapabilis ang paghahatid ng tulong at serbisyo ng ahensya.
 
Para sa authentication ng inyong National ID sa BBM Serbisyo, maaaring magpa-authenticate gamit ang impormasyong nakasaad sa inyong PhilSys ID.
Bisitahin lamang ang link na ito: bbmserbisyo.dswd.gov.ph.

Loading