TINGNAN: Isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA ang authentication sa ilalim ng BBM Serbisyo (Basta Beripikado, Mabilis ang Serbisyo) bilang bahagi ng pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer (ECT) payout para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa mga bayan ng Northern Palawan.
 
Layunin ng aktibidad na masiguro na ang mga benepisyaryo ng DSWD ay rehistrado sa Philippine Identification System (PhilSys), bilang mahalagang hakbang tungo sa mas mabilis at episyenteng paghahatid ng tulong pinansyal at serbisyong panlipunan.
 
Sa pamamagitan ng BBM Serbisyo o “Basta Beripikado, Mabilis ang Serbisyo,” maaaring alamin ng bawat kliyente kung sila ay rehistrado na sa PhilSys. Kapag nabe-verify, ang kanilang impormasyon ay awtomatikong nai-save sa DSWD Social Registry, na nagsisilbing batayan sa mas maayos at episyenteng pagpapatupad ng mga programa at tulong ng ahensya.
 
Patuloy na hinihikayat ng DSWD ang publiko, lalo na ang mga apektado ng Bagyong Tinio sa Northern Palawan, na gamitin ang BBM Serbisyo Online Platform upang matiyak na sila ay beripikado at agad na makatatanggap ng kanilang mga benepisyo.

Loading