TINGNAN | Patuloy ang isinasagawang PhilSys verification ng National Household Targeting Section (NHTS) ng DSWD MIMAROPA sa pamamagitan ng BBM Serbisyo, kasabay ng AICS at Social Pension payout sa iba’t ibang lugar sa rehiyon kabilang ang Calapan City, Pinamalayan, at Marinduque.
Layunin ng aktibidad na masiguro na ang mga benepisyaryo ng DSWD ay rehistrado sa Philippine Identification System (PhilSys), bilang hakbang tungo sa mas mabilis at episyenteng paghahatid ng mga serbisyo at tulong pinansyal.
Sa pamamagitan ng BBM Serbisyo o “Basta Beripikado, Mabilis ang Serbisyo,” maaaring alamin ng bawat kliyente kung sila ay rehistrado na sa PhilSys. Kapag nabe-verify, awtomatikong nai-save ang impormasyon sa DSWD Social Registry, na nagsisilbing batayan sa mas maayos na pagpapatupad ng mga programa ng ahensya.
Patuloy na hinihikayat ng DSWD MIMAROPA ang publiko na gumamit ng BBM Serbisyo Online Platform upang matiyak na sila ay beripikado at agad na makatatanggap ng kanilang mga benepisyo.
Gamitin na ang BBM Serbisyo—Basta Beripikado, Mabilis ang Serbisyo!

Loading