Pinangunahan ni DSWD MIMAROPA Regional Director Benchie B. Gonzales, kasama sina Assistant Regional Director for Operations (ARDO) Sheila S. Tapia at Regional Program Coordinator (RPC) Reji A. Pancho, ang Focus Group Discussion (FGD) at monitoring visit ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon, Pebrero 12, 2026 sa Odiongan, Romblon, na nilahukan ng 20 Parent Leaders.

Sa isinagawang talakayan, nagkaroon ng bukas na diskusyon hinggil sa implementasyon ng 4Ps, kabilang ang pagsunod sa mga kondisyon sa edukasyon, kalusugan, at Family Development Sessions (FDS).

Ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan, hamon, at rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang pagpapatupad ng programa sa kanilang komunidad.

“Ang patuloy na pakikinig sa ating mga benepisyaryo ay mahalaga upang matiyak na ang programa ay tumutugon sa kanilang tunay na pangangailangan,” ani Director Gonzales. “Ang kanilang mga pananaw ay nagsisilbing gabay sa mas epektibo at makataong paghahatid ng serbisyo.”

Pinagtibay ng aktibidad ang kahalagahan ng partisipasyon ng komunidad at aktibong dayalogo bilang pundasyon ng mas responsive at inclusive na implementasyon ng 4Ps sa rehiyon.

Loading