ย Sa kabila ng limitadong kita at pang-araw-araw na hamon sa buhay, isang pamilya sa Hupi, Santa Cruz, Marinduque ang patuloy na nagsisikap upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Tulad ng maraming pamilyang Pilipino, hindi naging madali ang kanilang pinagdaraanan, lalo na sa usaping pinansyal at pagpapalaki sa mga anak. Gayunpaman, pinili nilang maging matatag at bukas sa mga oportunidad na maaaring magbigay ng mas maayos na kinabukasan.

Sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD MIMAROPA, nagkaroon sila ng pagkakataong makapagsimula muli at paunlarin ang kanilang kabuhayan. Noong Ika-16 ng Hulyo 2024, naging benepisyaryo ng SLP si Ginang Amy M. Regencia, 35 taong gulang, at nakatanggap ng โ‚ฑ15,000 na seed capital bilang panimulang puhunan sa kanyang napiling kabuhayanโ€”ang pagbebenta ng bigas.

Agad niyang ginamit ang puhunan upang bumili ng walo (8) na sako ng bigas, na naging pundasyon ng kanyang maliit na negosyo. Hindi nagtagal, naging mabilis ang pag-ikot ng kita mula rito at nakatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya, kabilang ang allowance ng kanyang mga anak sa paaralan.

“Ang SLP ang nagbigay sa amin ng pagkakataong hindi lang umasenso sa kabuhayan, kundi maging inspirasyon sa aming komunidad,” ani Ginang Amy.

Sa paglipas ng panahon, naharap man sa hamon ng pagtaas ng presyo ng bigas, hindi ito naging hadlang sa pagpapatuloy ng kanyang kabuhayan. Sa halip, ginamit niya ang kanilang sariling palayan bilang pangunahing puhunan upang mapanatili ang suplay ng kanyang produkto. Bago ang panahon ng anihan, nakapagtala siya ng benta na umabot sa 200 kilo ng bigas, habang ang ani mula sa kanilang taniman ang nagsisilbing tuloy-tuloy na suplay.

Bilang patunay ng pag-unlad, sa loob ng isang taon bilang benepisyaryo ng SLP, nakabili si Ginang Amy ng second-hand na motorsiklo. Ginagamit ito sa paghahatid ng bigas sa mga mamimili at bilang tulong sa kanyang asawa sa pagsundo sa kanilang mga anak sa paaralan. Sa kabila ng limitadong kita ng kanyang asawa na nanghuhuli ng alimango sa dagat, nagkaroon sila ng alternatibong kabuhayan na patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya.

Ang kwento ni Ginang Amy ay patunay na sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program, nagiging posible ang pag-angat ng kabuhayan. Ipinapakita nito na sa sipag, tiyaga, at tamang diskarte, ang mga hamon ay kayang gawing oportunidad, at ang pagbabago ay nagsisimula sa isang matibay na desisyon na magsikap para sa kinabukasan ng pamilya.

Loading