Archive | Uncategorized

Calintaan, Occidental Mindoro wins Regional Search for Exemplary Children 2017

Jecille Arah Costales of Calintaan, Exemplary Child 2017 of Pantawid Pamilya MIMAROPA, together with her family, RPC Vincent Obcena, MIMAROPA Regional Dir. Wilma D. Naviamos, and judges Fernando Macabua of POPCOM and Dilsy K. Arbutante of Norwegian Mission Alliance Philippines, and Rena Gomez of DSWD MIMAROPA IDD.

MALATE, Manila – Pantawid Pamilyang Pilipino Program MIMAROPA awarded Jecille Arah M. Costales from Calintaan, Occidental Mindoro as the regional winner for the Search for Exemplary Pantawid Pamilya Children 2017 on October 13, 2017 at Best Western Hotel La Corona Manila.

Arah, 13, was recognized as the most exemplary child for her outstanding character, intelligence, talent, and wit. She took home a cash prize amounting to P15,000.00 and a plaque of recognition.

“Ang mga kabataan ay itinuturing din na isa sa mga stakeholders ng programang Pantawid Pamilya. Isa sila sa may mahalagang parte sa pagtupad ng mga mithiin ng programa sa aspeto ng edukasyon at kalusugan. Kaya naman mahalagang mayroon silang kakayahan at kaalaman sa pag-abot ng kanilang potensyal bilang miyembro ng Pantawid Pamilya at ng kanilang komunidad,” DSWD MIMAROPA Regional Director Wilma D. Naviamos said on her welcoming speech.

The event is in line with annual celebration of the National Children’s Month to recognize outstanding Pantawid Pamilya children beneficiaries who demonstrated excellence in their homes, schools, and communities.

With Arah as the overall champion, on the list are Jane Rose G. Atienza of Looc, Romblon in 2nd Place and Shaine Marie M. Escobal of Pola, Oriental Mindodo in 3rd Place. Meanwhile, Reanne Kaye C. Rosas from  Torrijos, Marinduque and Ellayza L. Del Castillo from Roxas, Palawan got the 4th and 5th Place, respectively. Arah also won the Best in Talent Certificate of Achievement and Shaine was given a Certificate of Achievement for her outstanding choice of formal wear in the Question and Answer Portion.

On its 6th year, the event also became an avenue to award the regional winners of the Search for Huwarang Pantawid Pamilya, the Mendoza Family from Sta. Cruz, Marinduque, and the Search for Ulirang Parent Leader, Norma L. Somodio from Bansud, Oriental Mindoro.

Arah will represent the region in the National Search during the National Children’s Congress on November 13-18, 2017 in Metro Manila. She will compete with the other 16 regional Exemplary Child winners from all over the country. ###

 

 

Posted in UncategorizedComments (0)

DSWD Kalahi CIDSS trains MCTs for Leadership for Convergence

Tagaytay City— “DSWD have always been biased to those who are poor, vulnerable and disadvantaged. The very essence of the department is to empower these sectors and enable them to live with dignity”. Said Regional Program Coordinator Geneliza Gabilan as she welcomed the participants of the Leadership for Convergence Training for KC MCT last October 10-13, 2017 in Bali Village Hotel in Tagaytay City. Attended mostly by the Kalahi CIDSS Municipal Coordinating Team, the counterpart of Kalahi CIDSS Area Coordinating Teams, the three-day training aimed to enhance the participants’ strategic leadership and critical thinking skills, initiate strategies on how the community and LGU could effectively work together, and improve the participants’ collaboration, coordination and communication skills.

The Leadership for Convergence Program is a five (5) module course about the three-staged framework of Bridging Leadership namely: The Self and the Social Divide, My Personal and Shared Response, Leading Change: Systems Thinking, Strengthening Partnerships through Multi Stakeholders’ Engagement, and the Dialogic Process.

As one of the goals of the workshop, the participants had produced a Leadership Development Plan wherein they will work on the context of local enablement and development, where the power to effectively identify and implement projects based on the needs of the people.

LCP is part of the capacitation activities done by the Kalahi CIDSS MIMAROPA’s  Capability Building Unit as it prepares communities to become CDD advocates themselves. Since the MCT members shape the outcome of KC NCDDP, they are thus considered as one of the primary backbone to the program’s success.

###

Posted in UncategorizedComments (0)

PL Norma, kauna-unahang Ulirang Parent Leader ng Pantawid MIMAROPA

Pinarangalan si PL Norma noong Regional Search for Exemplary Pantawid Pamilya Children noong Oktubre 13, 2017 kasama ang kaniyang anak na si Nelsie

MALATE, Manila – Hinirang bilang kauna-unahang Ulirang Parent Leader ng Pantawid Pamilya MIMAROPA si Norma L. Somodio, parent leader ng Sitio Dyandang sa Barangay Conrazon, Bansud, Oriental Mindoro noong Oktubre 4, 2017. Pinangaralan si PL Norma sa Best Western Hotel La Corona Manila kasabay ng pagdiriwang ng Regional Search for Exemplary Pantawid Pamilya Children noong Oktubre 13, 2017.

Ang Regional Search for Ulirang Parent Leader ay ang kauna-unahang pagbibigay-parangal ng programa sa mga parent leaders ng bawat cluster sa rehiyon na nagpamalas ng kanilang dedikasyon, oras, at pagsisikap upang maibigay ang kanilang serbisyo at patnubay sa kanilang mga kapwa benepisyaryo. Layunin ng kompetisyon na ito na kilalanin ang mga parent leaders na maituturing na modelo sa pagkakaroon ng postitibong kaugalian, magandang relasyon sa pamilya, at determinasyon upang mapaunlad hindi lamang ang kaniyang pamilya kundi ang lahat ng pamilya sa kaniyang komunidad.

Si PL Norma, na isang katutubong Tadyawan Mangyan, ang nakakitaan bilang pinaka-uliran sa apat pang parent leader na nominado ng iba’t ibang probinsya sa MIMAROPA. Si Carmel Cardino mula sa Roxas, Palawan and hinirang bilang 1st runner-up, na sinundan naman ni Rosalie C. Celestial ng Rizal, Occidental Mindoro. Sina Irene S. Acuzar ng Gasan, Marinduque, at Salvacion M. Recto naman ng San Agustin, Romblon ang nakakuha ng pang-apat at pang-limang karangalan.

Ako po ay isang ulirang parent lider dahil ginagawa ko ang mga dapat gawin at mahal ko ang lahat ng miyembro ko kaya wala akong pinipiling tao…Pinapaalalahanan ko sila lagi na ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata. Isa din po ako sa mga nagboboluntaryo na magturo sa kanilang FDS, gamit ang aming dialekto, upang mas lubos nilang maunawaan ang aming aralin sa FDS. Katuwang din po ako na magpalago ng kanilang kaalaman sa kalinisan at kalusugan,” ani PL Norma.

Si PL Norma ay magiging katuwang ng Departamento sa mga adbokasiya nito ###

Posted in UncategorizedComments (0)

In-lab

“In-lab”

ni G. Gaius Garcia*

 

Ng aking marinig na ikaw ay dumating  

Sa bayan kong kinalakihan, hindi kita pinansin

Bahala ka riyan, wag akong abalahin

Sapagkat ako ay busy rin  sa aking mga gawain.

 

Taon ang nagdaan, nalaman kong nandyan ka pa rin

Kaya’t ako ay nag-usisa, ano nga ba ang iyong layunin

Bukambibig ng mamamayan, bayan ay pagpapalain

Kaunlaran sa bayan ko ay iyon adhikain.

 

Lingid sa iyong kaalaman, puso ko ay tuwang-tuwa

Sa taglay mong ganda, unti-unti akong nahalina

Kaya’t ng ako ay niyaya, niyakap kita agad

Buhay ko ay nagbago, salamat nakilala ka.

 

Lumipas man ang panahon, at di na tayo magkasama

Sa puso at isip ko ikaw ay nakatatak na

Kaya’t isang text o tawag mo lang, di na ako magkandaugaga

KALAHI-CIDSS, sinta ko, Inlab na yata ako sa’yo.

 

*Si G. Gaius Garcia ay isa sa mga Community Volunteers ng Kalahi CIDSS sa bayan ng Looc, Romblon. Sa ngayon, sya ang tumatayong Barangay Sub-Project Management Committee Chairperson sa kanilang barangay. Itinalaga rin sya ng kapwa niya mga volunteers noong nakaraang taon upang tumayong isa sa mga Volunteer Coordinator sa Probinsya ng Romblon. Naging inspirasyon ni G. Garcia na isulat ang tula ang kanyang pakikilahok sa Kalahi CIDSS at sa kanyang pakikisalamuha sa kanyang mga kapwa Community Voluteers. I-prinisinta niya ang tulang ito noong nakaraang Community Volunteers’ Congress sa probinsya ng Romblon.

 ###

Posted in UncategorizedComments (0)

SPSI PREW isinagawa sa Oriental Mindoro

Calapan City, OrMin – Upang higit na palakasin at paunlarin ang Social Protection Support Initiatives (SPSI) Convergence Project nagsagawa ng Program Review and Evaluation Workshop ang SPSI sa nasabing lugar.

Ang SPSI Convergence Project ay ang pinagbuklod-buklod na mga proyekto ng: Department of Social Welfare and Development  (DSWD) sa pamamagitan ng Sustaining Interventions in Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) project; Department of Health (DOH) sa kanilang Watching Over Mother and Babies (WOMB); at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang Sigurado at Garantisadong Insurance Pangkalusugan (SAGIP) Project na naglalayong mapaangat ang pangkabuuang pamumuhay ng mga mahihirap na natukoy ng Listahanan lalo na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ang pinakapuso at sentro ng SPSI Convergence Project ay ang kanilang Electronic Referral System para sa SIPAG, WOMB at SAGIP information system na nakikitang mekanismo upang pagtibayin ang Cross-Agency Data Sharing at padaliin ang pagalam sa mga priority cases upang pagbuklurin ang mga serbisyong inahahandog ng DSWD, DOH at Philhealth.

Sa unang bahagi ng programa, ibinahagi ni DSWD-NCTSU Dir. Christian Deloria at iba pang kinatawan ang mga nagawa at kasalukuyang kalagayan ng SPSI sa probinsya ng Oriental Mindoro.

Upang higit namang mapaunlad ang programa, nagsagawa ng prioritization workshop ang grupo na pinangunahan ni Ms. Julieta Flores, Project Development Officer III ng SIPAG Project.

“Mahalagang makagawa tayo ng action plan kung papaano natin matugunan ang mga isyu at pagsubok na kinaharap natin sa pagimplementa ng ating programa upang masiguro natin ang patuloy nitong pag-usad at pagunlad,” ika ni Ms. Flores.

Taong 2011 ng magsimula ang SPSI Convergence Project sa anim na munispyo ng Oriental Mindoro: Bansud, Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Naujan at Pola. Lumawak at nakompleto ang implementasyon nito sa syudad ng Calapan at walo (8) pang munisipyo kabilang ng Baco, Gloria, Pinamalayan, Puerto Galera, San Teodoro, Socorro at Victoria noong Hunyo, 2014.

Ngayong 2017 na ang huling taon ng implementasyon ng SPSI Convergence Project sa Oriental Mindoro.

“Ang SPSI program ay isa sa pinakamatagumpay na programa ng gobyerno na aking nakita. Ito ay isang magandang modelo kung papaano makakapagbigay ng mas epektibong serbisyo ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa masang Pilipino. Mainam na nakagawa tayo ng sustainability plan sa huling taon ng implementasyon nito sa Oriental Mindoro,” pagtatapos ni Dir.Deloria.

 

Posted in UncategorizedComments (0)

Ikalawang Community Volunteers Congress ng DSWD Kalahi CIDSS MIMAROPA, Isang Tagumpay.

Malate, Manila– Matagumpay na naganap ang Community Volunteers Congress noong nakaraang Agosto 29-31 sa Lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan, Septeyembre 5-7 sa bayan ng Odiongan sa Romblon, at Septyembre 13-15 sa lungsod ng Calapan sa Oriental Mindoro. Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng mga Kalahi CIDSS Community Volunteers mula sa iba’t ibang bayan ng MIMAROPA.

Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng pagpapalitan ng karanasan, kwento, at stratehiya ang bawat community volunteer sa kanilang pagpapatupad ng programang kalahi cidss sa kanilang mga lokalidad; mapalalim ang kaalaman at pag-unawa ng mga community voluteers sa stratehiyang community-driven development—ang stratehiya na naglalayong maisakapangyarihan ang pamayanan sa pamamagitan ng kanilang koliktobong  pakikilahok sa local na pag-paplano at pag di-desisyon sa pag gamit ng mga yaman ng kanilang pamayanan.

“Marami akong nakuhang kaalaman sa tatlong araw na pakikisalamuha ko sa ibang mga volunteer.” wika ni G. Sawid mula sa Bayan ng  Balabac sa Palawan. Napatibay rin ng nasabaing aktibidad ang samahan ng mga Community Volunteers sa pamamagitan ng pagpapalitan nila ng kanilang mga karanasan sa Kalahi.

“Makakapag tanong na ako sa ibang mga volunteers sa ibang bayan pag nagkaroon kami ng problema sa implementation” wika naman ni G. Fedelin.

Naliwanagan rin ang mga Community Volunteers sa kanilang direksyong kailanag tahakin nang iprisenta sakanila ang kasalukuyang estado ng pagpapatupad ng programa sa kani-kanilang mga probinsya. “Kayo pong mga volunteers ang dahilan ng patuloy nap ag yabong ng programa, kayo po ang nagbibigay lakas sa programa kaya kailangan ang aktibo ninyong partisipasyon upang ma-empower pa ang ibang mga miyembro ng inyo pong mga pamayanan.” Winika ng sub-regional program coordinator ng kalahi CIDSS sa Palawan na si Gng. Ma. Claire Panganiban nang kanyang ipakita ang kalagayan ng mga proyekto sa probinsya ng Palawan. Nag prisinta rin ang isang community volunteer at Regional bayani Ka awardee mula sa Bayan ng Baco Oriental Mindoro na si G. Jordan Fajardo. Ipinahayag nya sa mga kapwa nya volunteer kung paano mahikayat ang mga tao sa komunidad na makilahok sa programa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga kumikitang samahan na siya ring mangangalaga sa proyekto.

Ipinamalas rin ng mga volunteer ang kanilang mga talento sa kanilang pag Sali sa iba’t ibang patimpalak sa pag sulat, pag-guhit, pag-tatalumpati, at pagpapakita ng mga katutubong sayaw.  At sa huling araw ng pagtitipon ay sinambit ng mga Community volunteers ang “panata ng lider kalahi cidss” kung saan kanilang ipinapanata ang sama-samamng pagkilos nang may malasakit at walang sawang pagsisilbi sa kanilang pamayanan.

###

Posted in UncategorizedComments (0)

CBLA payout para sa dragon fruit natanggap ng mga benepisyaryo

Nakapila ang mga katutubong benepisyaryo ng Pantawid Pamilya upang makatanggap ng payout para sa CBLA ng dragonfruit

Mansalay, Oriental Mindoro – Natanggap ng 170 benepisyaryo ng MCCT ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Mansalay, Oriental Mindoro noong Agosto 24, 2017 ang kanilang Cash for Building Livelihood Assets (CBLA) payout para sa pagtatanim ng dragon fruit. Ang proyektong ito ay sumasailalim sa Support Services and Interventions (SSI) ng Pantawid Pamilya na nakadisenyo upang paunlarin ang sosy-ekonomikong estado ng mga benepisyaryo ng MCCT.

Naglabas ang programa ng P350,200.00 para sa payout kung saan P2,060.00 ang natanggap ng bawat isang benepisyaryo. Ang mga benepisyaryong ito ay mga katutubong nagmula sa Brgy. Budburan, Brgy. Cabalwa, at Brgy. Panaytayan.

Noong Mayo 2017, nagbigay ang programa ng starter kit sa mga benepisyaryo na naglalaman ng 95 cuttings ng dragon fruit, fertilizer, pala, hand sprayer, at iba pang mga materyales na kailangan sa pagtatanim.

Sa ilalim ng CBLA, makakatanggap ng P2,060.00 ang mga benepisyaryo para sa 11 na araw, kung sila ay nakapaggamas ng lugar upang pagtaniman ng dragonfruit at sila ay nakapagtanim dito. Upang mapatunayan na sila ay nakapagtanim, bawat isang benepisyaryo ay may kani-kanilang Daily Time Record (DTR) sheet at aktwal na litrato ng kanilang tanim na dragon fruit na ibibigay sa kanilang PDO II.

Ayon kay Teresa, “malaking tulong po sa amin ito kasi kapag lumaki na ang mga tanim namin, pwede na namin itong maibenta at makadagdag sa panggastos namin sa araw-araw.” Ang perang natanggap ng mga benepisyaryo para sa CBLA ay bukod pa sa tinatanggap na cash grant na para sa pang-edukasyon at pang-kalusugan ng mga bata. “Ang maganda pa po dito, madali lang itanim ulit ang dragon fruit kaya maitutuloy-tuloy namin ang pagtatanim nito,” dagdag ni Teresa.

Bukod sa dragonfruit, mayroon ring ibinibigay na kambing, baboy, at lemon grass para sa mga benepisyaryo ng MCCT sa ilalim ng SSI ng programa. ###

 

Posted in UncategorizedComments (0)

CVs of Palawan Participated in the 2017 Kalahi CIDSS CV Congress of Palawan Cluster

Puerto Princesa City, Palawan— Community Volunteers of DSWD Kalahi CIDSS MIMAROPA from the Palawan cluster gathered in Puerto Princesa City last August 29-31, 2017 for the 2017 Kalahi CIDSS Community Volunteers’ Congress. The event with the theme, “Kaagapay ng Komunidad sa Kaularan: Hamon sa mga Bagong Bayani” provided an avenue for the volunteers to have peer-to-peer exchange of knowledge with the other community volunteers from other municipalities in Palawan as well as deepen the volunteers’ understanding of CDd.

Marami akong nakuhang kaalaman sa tatlong araw na pakikisalamuha ko sa ibang mga volunteer.” Said Mr. Sawid from the municipality of Balabac. It also strengthened the camaraderie among the volunteers as they share their experiences and challenges volunteering for Kalahi CIDSS. “Meron na akong mga bagong kaibigan na mapag tatanungan ko ng mga strategy sa implementation.” Said Mr. Rainer from the municipality of Narra.

More so, the Community Volunteers were enlightened on the track they should follow as they see the current program status of Kalahi CIDSS in Palawan as well as the volunteers’ directions for the next years before the program ended. Sub-Regional Program Coordinator Claire Panganiban presented the current program status of Kalahi in Palawan and she emphasized the importance of the community volunteers’ active participation towards the achievement of the Key Performance Indicators of the program. “ Kayo pong mga volunteers ang dahilan ng patuloy nap ag yabong ng programa, kayo po ang nagbibigay lakas sa programa kaya kailangan ang aktibo ninyong partisipasyon upang ma-empower pa ang ibang mga miyembro ng inyo pong mga pamayanan.” Said SRPC Panganiban in her presentation speech. It was also enlightening to the volunteers to learn from their co-volunteer from Mindoro, Mr. Jordan Fajardo. Mr. Fajardo shared techniques on how the volunteers can entice the community to continue supporting the Kalahi CIDS program. He mentioned in his talk that it is important to show the volunteers and the community the value of what they are doing “ Ipakita nyo sakanila na may ginagawa silang bagay na mas Malaki sakanila at makakatulong sa pamayanan sa pang matagalan.” Said Fajardo. He also shared how he managed the O and M group of their sub-project which later turned into a cooperative that sells banana chips. According to Fajardo, it is important that the O and M group find meaning in what they do and one way is through income generation. Fajardo mentioned, “Yung O and M group naming ngayon, marami na ang sumasali dahil kumikita na sila nakakatulong pa sila na panatilihin yung proyekto sa pagbibigay ng kita ng grupo sap ag maintain ng project.”

The Community Volunteers were also shone the spotlight to highlight their talents and skills by participating in the different contests such as art/poster making, poetry writing, essay writing, song writing, and extemporaneous speaking, and cultural presentation. Consequently, to pledge their unselfish service to their community, the community volunteers gathered in a circle, held a lit candle and recited the oath of Community Volunteers—Panata ng Lider Kalahi CIDSS.

###

Posted in UncategorizedComments (0)

  • don
  • nroc
  • pan
  • trans
don1 nroc2 pan3 trans4
CSS Slideshow by WOWSlider.com v4.7m

QRT Portal

Listahanan: Tuloy ang Pagbabago

  • CHILDREN
  • COLLEGE
  • DISABILITY
  • DISPLACEMENT DUE TO DISASTERS
  • ELECTRICITY
  • FARMERS FORESTERS FISHERFOLKS-
  • HIGHSCHOOL
  • IP Listahanan data
  • IP
  • MALE
  • Nutrition
  • OCCUPATION
  • OUTER WALLS
  • POOR HHS
  • ROOF
  • SAFE WATER ACCESS
  • SENIOR CITIZENS
  • http://wowslider.com/
  • WOMEN
cssslider by WOWSlider.com v8.7

Transparency Seal

Organizational Outcomes

Reference Maps

Tweet Us use Hashtag #DSWDMIMAROPA

October 2019
M T W T F S S
« Sep    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZHNfcm90YXRlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzE8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjVhLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjViLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzM8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjVjLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjVkLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X2ltYWdlPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8zMDB4MjUwYS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Fkc2Vuc2U8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF90b3BfZGlzYWJsZTwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2ltYWdlPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDEzLzA3L2Jhbm5lcl9taW1hcm9wYS5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF90b3BfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzE8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRhcmtibHVlLmNzczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2F1dGhvcjwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gZmVhdHVyZWQgc3RvcmllczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXRfZW50cmllczwvc3Ryb25nPiAtIDY8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19mZWVkYnVybmVyX2lkPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl91cmw8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19nb29nbGVfYW5hbHl0aWNzPC9zdHJvbmc+IC0gPHNjcmlwdCB0eXBlPVwidGV4dC9qYXZhc2NyaXB0XCI+DQoNCiAgdmFyIF9nYXEgPSBfZ2FxIHx8IFtdOw0KICBfZ2FxLnB1c2goW1wnX3NldEFjY291bnRcJywgXCdVQS0xNjg0OTA1Ni0xXCddKTsNCiAgX2dhcS5wdXNoKFtcJ190cmFja1BhZ2V2aWV3XCddKTsNCg0KICAoZnVuY3Rpb24oKSB7DQogICAgdmFyIGdhID0gZG9jdW1lbnQuY3JlYXRlRWxlbWVudChcJ3NjcmlwdFwnKTsgZ2EudHlwZSA9IFwndGV4dC9qYXZhc2NyaXB0XCc7IGdhLmFzeW5jID0gdHJ1ZTsNCiAgICBnYS5zcmMgPSAoXCdodHRwczpcJyA9PSBkb2N1bWVudC5sb2NhdGlvbi5wcm90b2NvbCA/IFwnaHR0cHM6Ly9zc2xcJyA6IFwnaHR0cDovL3d3d1wnKSArIFwnLmdvb2dsZS1hbmFseXRpY3MuY29tL2dhLmpzXCc7DQogICAgdmFyIHMgPSBkb2N1bWVudC5nZXRFbGVtZW50c0J5VGFnTmFtZShcJ3NjcmlwdFwnKVswXTsgcy5wYXJlbnROb2RlLmluc2VydEJlZm9yZShnYSwgcyk7DQogIH0pKCk7DQoNCjwvc2NyaXB0PjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvMy1kc3dkbG9nb193cC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaG93X3ZpZGVvPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV9oZWlnaHQ8L3N0cm9uZz4gLSAxODA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaW5nbGVfd2lkdGg8L3N0cm9uZz4gLSAyNTA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190YWJzPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190aGVtZW5hbWU8L3N0cm9uZz4gLSBHYXpldHRlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fdXBsb2Fkczwvc3Ryb25nPiAtIGE6Mjp7aTowO3M6NjQ6Imh0dHA6Ly93d3cuZm80Yi5kc3dkLmdvdi5waC93cC1jb250ZW50L3dvb191cGxvYWRzLzQtZmF2aWNvbi5wbmciO2k6MTtzOjY4OiJodHRwOi8vd3d3LmZvNGIuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy8zLWRzd2Rsb2dvX3dwLnBuZyI7fTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3ZpZGVvX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gdmlkZW88L2xpPjwvdWw+