Archive | Uncategorized

Konektado: Pag-uugnay ng serbisyo para sa mga benepisyaryo

 

Pinangunahan ni Ruby Lopez, ALS coordinator, ang pakikipagusap sa mga benepisyaryo upang patuloy na pumasok sa eskwelahan

Puerto Galera, Oriental Mindoro – Alinsunod ng programang Konektado ng Municipal Action Team ng Puerto Galera, matagumpay na isagawa ang community and facility visit sa isa sa pinakamalayong sitio ng bayan, Sitio Sipit Saburan, Barangay Villaflor ngayong Marso 8, 2019.

Layunin ng nasabing gawain na makapagbigay ng agarang solusyon sa mga benepisyaryo na hindi nakakasunod sa kondisyon ng programa sa edukasyon na sanhi ng malayong eskwelahan sa mga tahanan ng benepisyaryo.

Nagbigay rin ng iba pang mga paalala ang kawani ng Pantawid Pamilya para sa mga batang benepisyaryo

Kasama ang grupo mula sa Alternative Learning System(ALS) sa pangunguna ni Ruby Lopez, Puerto Galera ALS Coordinator, at mga kawani ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Oriental Mindoro, nagkaroon ng pagbabahagi ng mga updates sa programa ng Pantawid at pati na rin sa programa ng ALS. Hinikayat ng bawat isa ang pag eenroll ng mga bata sa ALS, lalong higit ang mga mag-aaral na di nakatuntong ng sekondarya dahil sa sobrang layo ng paaralan sa kanilang pamayanan.

Nakapagtala ang grupo ng ALS ng 30 na bata na nais mag-aral sa nasabing programa sa Hunyo, at inaasahan na ito ay dadami pa sa susunod na mga buwan.

Patuloy ang MAT Puerto Galera na magbigay ng tulong sa mga benepisyaryo ng programa upang sila ay patuloy na makatanggap ng serbisyo at iba pang interbasyon mula dito at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno. ###

 

Contributed by: Reylyn Villena

Posted in UncategorizedComments (0)

4Ps Family Day isinagawa sa Balabac, Palawan

135 benepisyaryo ang dumalo sa isinagawang Family Day sa Barangay VI, Balabac, Palawan

Balabac, Palawan – Dinaluhan ng 135 na aktibong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Barangay VI sa bayan ng Balabac, Palawan ang isinagawang Family Day noong Pebrero 25, 2019 sa  Balabac National High School covered court. Nagsimula ang aktibidad ng alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa pangunguna ng sama-samang pagtutulungan ng Municipal Action Team (MAT) ng Balabac, Palawan kasama ang limang parent leaders ng baranggay.

Isingawa ang Family Day para sa mga benepisyaryo ng programa kaugnay ng kanilang diskusyon sa kanilang buwanang Family Development Sessions upang sariwain at mas makilala pa ng lubusan ang kahalagahan ng pamilya lalo’t higit ang maisaalang-alang dito ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa isang pamilya na kung saan ay malaya ang bawat kasapi nito na maipadama ang kanilang nararamdaman at maisabulalas ang kanilang mga saloobin. Ito din ay isinagawa upang mabigyang kasiyahan ang bawat pamilya ng benepisyaryo ng programa sa baranggay.

Isa sa mga layunin ng aktibidad ay magbigay ng kasiyahan sa mga benepisyaryo nito at paigtingin ang relasyon sa loob ng kani-kanilang pamilya

Pinuno ng mga masasayang palaro, paligsahan at patimpalak ang aktibidad. Aktibo rin namang nagpakitang gilas ang mga benepisyaryo sa pakikilahok sa mga aktibidad na ito at sa paghahandog rin ng isang sayaw. Isa sa mga inabangan sa aktibidad ay ang isinagawang kauna-unahang “Search for Gandang Nanay ng 4Ps 2019” na nilahukan ng apat at talentadong mga benepisyaryo. Si Nur-in Depaloma ay ang itinanghal na kampeon sa naturang paligsahan na ito.

Nang siya ay tanungin ukol sa kaniyang opinyon sa isyu na ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay hindi na halos nagsusumikap na maghanapbuhay dahil sa sila’y umaasa na lang sa perang kanilang natatanggap mula sa 4Ps, sinabi niya na ang pamilya niya ay nagsusumikap, kasama ng iba pang mga benepisyaryo upang mabuhay.

“Siguro meron nga pong iilan na umaasa nalang, pero kami ay nagsusum

Isa sa mga Inabangan ay ang paligsahan ng mga nagagandahang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya

kap naman naman na buhayin at maibigay ang pangangailan ng aming pamilya. Hindi naman kakasya at makabubuhay sa amin ang cash grants mula sa 4Ps dahil maliit lang naman ito, ngunit malaki nading tulong para sa amin lalo na sa pagpapaaral sa mga anak namin para maiangat ang aming buhay. Pero kami at lalo na ang asawa ko ay talagang nagtitiyagang magtrabaho para mabuhay,” dagdag ni Depaloma.

Matapos ang mga inihandang aktibidad, nagkaroon din ng pagbabahagi ng mga sertipiko na kumikilala sa sipag at kontribusyong nagawa ng limang parent leaders sa tuloy-tuloy na pagpapatatag sa pagpapatupad ng program. Ginawaran din ng sertipiko ang Balabac National High School sa pamumuno ng kanilang mahusay at butihing principal na si Antonio Pungyan, at ang mga nagsilbing hurado sa pagandahan ng mga nanay na sina Japhet Tirambulo, Nancy Tirambulo, at Bidalia Capinpin na pawang mga parent leaders din mula sa ibang barangay ng poblasyon ng Balabac, Palawan dahil sa kanilang naiambag sa tagumpay ng nasabing pagdaraos.

Sa huli, nasaksihan ng bawat isa na sila’y naging masayang masaya sa kanilang Family Day mula sa simula hanggang sa pagtatapos nito. Ayon sa kanila, nawa’y magkaroon na ng regular na ganitong aktibidad para sa kanila taun-taon. ###

Contributor:

Prinz Jordan Arzaga Tumulak, Municipal Link, Balabac, Palawan (Writer)

Jordan Abalona (Photos)

Posted in UncategorizedComments (0)

Cabacao Unlad Saka SLP Association: Yielding Rice and Corn to Onward Cabacao

Abra De Ilog boasts its high mountains and vast farm lands which makes agriculture the main livelihood of the population. One of the associations that thrives in this business is the Cabacao Unlad Saka SLP Association that started in June 2016. Almost all the members were already farmers who aspired to earn more by creating an association.

Upon market analysis, the SLPA identified rice and corn production as a viable livelihood considering the terrain of the province. The association president, Nerlita Venturanza, merged the two Sustainable Livelihood Program associations: the Rice production and Corn Production. Through this, the resources of the associations are maximized for higher profit.

AFTER PROJECT IMPLEMENTATION

Aside from the additional income they earn from farming, the association has already produced assets including varieties of seeds and farming machines. Also, they grabbed the ‘Best Dressed Carabao and Kariton’ during the Piyesta ng Abra De Ilog last 2017. The association is currently supplying the local market of Abra De Ilog since the transaction is fast and hassle-free but they are already planning to increase the quantity of their production to expand in the neighboring provinces.

For 120 cavans of rice or corn, a member earns a gross income of Php 40,000.00 per harvest. The SLPA also offers microlending service for the members. They contribute Php 50.00 every meeting to serve as their capital. The income from the 3% interest rate goes to the savings of the association.

They have received a total of 4 water pumps, seeds, and mobile dryer from the Department of Agriculture for their rice and corn crops. Also, members grab every opportunity to learn additional knowledge on farming through attending seminars and training near the area. There are members who explored other livelihood to provide for their family.

KWENTO NG PAGSIBOL

Nerlita Venturanza, SLPA President, shared that what challenges her the most as a leader is the lack of persistence of some members. Despite this, she doesn’t get tired explaining the end result when they work hard, be resourceful, and wait patiently during tough times in farming. She shared, “Ang nakatulong talaga sa amin para i-manage ang mga members ay ‘yung pagtuturo sa kanila ng ethics. Dahil alam nila kung ano ang nararapat gawin, mas magiging tapat sila sa tungkulin dito sa asosasyon.”  

“Malaking tulong yung starter kit na binigay samin dahil nangungutang lang ako dati sa traders pero nang maging member ako ng SLP, ang panimulang kapital ang ginamit ko para makaipon ng kaunti. Ngayon, hindi na ko mag-iisip pa saan kukuha ng pantanim sa susunod sa cycle,” shared Nerlita.

The association used every equipment they have to maximize their production volume of rice and corn. Through this, members are able to build their personal livelihood assets including additional livelihood, household items, tuition fee for their children, and many more.

One strategy members do is they leave a portion of their earnings in the association as their personal savings. Through this, they are able to save enough capital for the next planting season. As Nerlita says, “Sa mga kapwa magsasaka, ano mang tulong na natatanggap ay dapat magamit sa maayos, ilagay sa maayos.” ###

Posted in UncategorizedComments (0)

Empowering the IPs of Barangay Ipilan through Organic Farming

MCCT-IP beneficiaries of Brgy. Ipilan with SSI Project on Organic Agriculture

Hidden in the foot of the mountain in Sitio Pangatleban, Brgy. Ipilan, Brooke’s Point, Palawan is a three-fourth hectare of farm of the beneficiaries of Pantawid Pamilyang Pilipino Program under the Modified Conditional Cash Transfer Program for the Indigenous People (MCCT-IP).

The farm was established for planting different kinds of vegetables in 2015 through the Cash for Building Livelihood Assets (CBLA), a project under MCCT-IP for the beneficiaries of the barangay who are members of the Cuyunon and Palaw’an tribe. Through the project, they were able to gain income from it and has helped them in forming a strong relationship with their fellow beneficiaries.

“Isang magandang oportunidad po sa amin ang mabigyan ng ganitong proyekto. Hindi lang kami natututo, kundi nagkakaroon rin kami ng pinagkakakitaan dahil dito,” said Jenalyn L. Larawan, a MCCT-IP beneficiary.

The project has created an opportunity for the IP beneficiaries in the barangay to become economically empowered by providing them other sources of income.

 

Creating livelihood for the IPs

Most IPs in Brgy. Ipilan depends on farming as their main source of income to provide for the needs of their family. According to them, it is more difficult for them to find other opportunities compared to the people in the lowland since most of them were not able to go to school due to inaccessibility of education in their area.

“Dahil malalayo po ang aming mga bahay sa proper, mas nahihirapan po kaming magkaroon ng trabaho at ang tanging alam naman po namin ay na trabaho ay ang pagtatanim,” Jenalyn said.

MCCT-IP Organic Agriculture in Sitio Pangatleban, Brgy. Ipilan, Brooke’s Point, Palawan

After becoming beneficiaries of the MCCT-IP in 2014, they have learned the importance of conducting regular check-ups for the children and pregnant women, as well as the importance of education since those are the conditions of the program in order for them to receive financial assistance. Moreover, through their monthly Family Development Sessions (FDS) they have become more aware of their rights as IPs and it has helped them in strengthening their capacities in responding to their needs.

Part of the implementation design in MCCT is to generate appropriate resources and services for the IP. It differed to the regular Conditional Cash Transfer (CCT) as it offers Support Services Intervention (SSI) for livelihood aside from the regular benefits of receiving cash grants. The SSI component of MCCT aims to provide additional assistance to improve the current living condition of the IP families and communities. The livelihoods identified were coordinated with the program staff and community facilitators based on the needs of the community.

In 2016, the 40 MCCT-IP beneficiaries of Brgy. Ipilan were provided SSI on organic farming. The Pantawid staff organized forty beneficiaries from the sitio to come together to grow organic vegetables in a borrowed land. The beneficiaries have borrowed a three-fourth hectare of vacant lot to Pablo Rodriguez, an IP resident in their area who is not a Pantawid beneficiary, for their organic farming project.  The plot is part of his 6.6-hectare land which Pablo also uses for farming.

“Nagkasundo kami sa barangay at may kasulatan na ipapahiram ang lupa sa loob ng limang taon. Kapalit nito, binibigyan din namin siya ng aming mga tanim na gulay,” Jenalyn said.

The beneficiaries were provided with trainings through the coordination of Pantawid Pamilya with other agencies and organizations. They were also provided starter kits which include supplies and materials necessary for the operation of their organic farm.

The beneficiaries have planted different crops such as ampalaya, talong, okra, sitaw, and kalabasa among others in their farm. Since they are a big group, they divided the members and assigned tasks and schedules for them so that all of them will have equal works.

All of their hard work paid off after they have generated a total of P5,195.00 from their yield. However, months after, a typhoon hit their farm which destroyed their crops. The members have to re-plant the seeds and wait until it is ready for harvest.

 

Providing Better Opportunities

The organic farm of the MCCT-IP beneficiaries continued despite the challenges brought about by different environmental concerns. In 2017, 10 members from the group thought of planting mongo seeds specifically the kintab variety in their plot aside from the vegetable crops. Because of this, the Pantawid staff connected them with another program of DSWD, which is the Sustainable Livelihood Program (SLP) for the Mongo Production through Microenterprise Development – Cash for Building Livelihood Assets (MD-CBLA). Through this, their group will be recognized as a micro-enterprise that can help them broaden their market. Through the help of both programs, they became a supplier of mongo beans to a Baby Food Facility in Brooke’s Point, Palawan which makes mongo rice for babies.

For the mongo seeds, Pantawid staff coordinated with the Department of Agriculture (DA) so that beneficiaries can be given the kintab variety. After 5 months, the group was able to obtain a total of P16,080.00, less their expenses. They deposited P13,000.00 of their income in the bank which they save for the future use of the members.

Meanwhile, other beneficiaries from their organic farm decided to plant 100 pieces of lakatan which allowed them to earn P2,249.00. They also tried planting a corn variety used for chicken feeds.

Harvested corn in their garden

Until now, beneficiaries are continuously planting in their organic farm to provide extra income for the members.

“Nagkakaisa po kaming ipagpatuloy ang aming taniman para rin po pangdagdag sa aming kinikita para sa aming mga anak,” Jenalyn explained.

She added that they wanted to continue farming as they wanted to venture on another business in buying and selling rice.

“Bukod din po sa kinikita namin dito, nakakatuwa po dahil makikita na sama-sama kaming mga katutubo sa pagtatrabaho para sa sari-sarili naming kapakanan,” she said.

The Pantawid Pamilya and the SLP continuously monitor both projects in order to empower the IP beneficiaries by bringing economic development to their lives. ###

Posted in UncategorizedComments (0)

Solo but not Alone: A Story of a Single Father

Despite losing his arm in an accident, Angelino Gamacho strives hard to support all his children alone as a solo parent

In a small barong-barong in Sitio Yakal, Brgy. New Guinlo, Taytay, Palawan, lives Angelino Gamacho, 53. For those people who may not know him, he can easily be recognized as a physically challenged man who often times use his motorcycle to provide service and earn a living. But no one considers him frail as underneath him is a tough man striving hard to provide the needs of her children single-handedly, as a solo parent.

“Sa umpisa lang naman po mahirap. Habang tumatagal, natututunan ko na rin at natanggap na mag-isa kong binubuhay at inaalagaan ang aking pamilya dahil tinutulungan din ako ng aking mga anak,” Angelino said.

Indeed, Angelino defies the norm as he serves as the “haligi ng tahanan” and “ilaw ng tahanan” at the same time for his six children. Not his disability nor his becoming as a solo parent can stop him in bringing better future for his children.

With his hard work together with the help of his children, his biggest accomplishment yet is having his second child graduate in college.

“Hindi ko tinitignan na hadlang ang mga naranasan ko, kundi isa lamang pagsubok na kailangan kong harapin kasama ng aking mga anak,” Angelino said.

According to him, he won’t be able to get through all of this without having support from the government. Angelino is a Pantawid Pamilyang Pilipino Program grantee of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) since 2009.

 

Going Solo

“Noong buo pa po ang aming pamilya, masaya naman po kami,” Angelino shared. Like the usual family, her wife takes care of the children while he works as an agent of plant medicines for farming in North Luzon.

Angelino has a small sugar production. In 2002, while he was grinding sugar, his left arm got stuck in the machine, which caused him to lose his arms.

“Pagkatapos noong aksidenteng iyon, dumami ang pagbabago sa aming pamilya,” he recalled. Angelino said that he was depressed at first but according to him, “naisip ko na wala namang trabaho na kaya ng normal na tao na hindi ko kaya.” However, Angelino needed to stay for months in their home until his arm healed.

One day, in 2004, he was taken aback when he discovered that his wife is having an affair with his helper in the sugar production. On that same year, his wife has left them so she can live together with the other man.

“Grabe ang lungkot ko noon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Iniisip ko na dahil ba sa kapansanan ko, kaya nya nagawa sa akin yon,” Angelino said.

Despite his sadness, he still advises his children not to conceive hatred with their mother. “Sinasabi ko sa kanila na kahit ano naman ang mangyari, mama pa rin nila sya,” he said.

Yet, as a good father, he tried to compose himself to think of how he can be able to provide for his family alone.

Madami ang nag-aampon sa mga anak ko, pero ayaw ko,” Angelino narrated. He said that his family has already lost one of its members and he would not allow another to be taken away from him.

Angelino applied for a job at the rural health unit (RHU) in another municipality and got accepted. While he works, he requested his mother to look after his children.

Only months after the incident with his wife, another situation has tested Angelino as his eldest child, who has hepatitis, died. “Mahirap tanggapin at minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit parang sunud-sunod na ang mga pangyayaring ganito,” Angelino said. Still, he said that he must continue working hard to support his children.

After two years, Angelino went back to farming so that he can take care of his growing children. For his daily routine, he tends his farm in the morning and wash clothes, prepare dinner, and clean their house at night. “Hindi naman po ako nahirapan dahil masisipag at responsible ang aking mga anak,” he said.

Indeed, his children are very supportive and understanding of their situation. Since there are five of them who goes to school at the same time, they also thought of helping their father in financing the needs of the family. Before graduating in college, the second child worked as a helper in order for the third child to finish high school. “Nag-usap kami sa pamilya at yung pangalawa ko ang nagsabi na bago siya magcollege ay mag-iipon muna sya at tutulong muna sa pagtatapos ng high school ng pangatlo,” Angelino shared. He makes sure that his children will finish their studies no matter how long it will take them because he believes that it will help them become successful in life.

His hard work paid off after his second child graduated with a bachelor’s degree in Hotel and Restaurant Management at the Palawan State University – Taytay Campus in 2017. She is currently working in a business process outsourcing (BPO) company in Puerto Princesa, Palawan. Meanwhile, his third child studies Criminology in Poolbridge College and on his 1st year. The fourth child is taking up Nursing in Manila while working as a helper in a store owned by their relative. The fifth child finished Grade 12, but has stopped to work in a laundry shop. His youngest child is studying Grade 10 at Bato Central Elementary School in Taytay, Palawan.

Napakapalad ko pa rin po na may mga anak akong nakakintindi at tumutulong sa akin,” Angelino said.

 

Better Opportunities

Angelino never gives up despite all the difficulties and challenges he faced. And it was never in his thoughts that he will be able to get help and support through Pantawid Pamilyang Pilipino Program in 2009.

“Isang napakalaking tulong ng programa lalo na para sa akin na solo parent,” he said. As the provider of the family, Angelino is also in charge of budgeting including the grants he receives through the financial assistance of the program.

Because of the program, he was able to learn how to become a more responsible parent through their monthly Family Development Sessions (FDS). It has also allowed him to discover himself as a leader when he was chosen as their cluster’s parent leader. Angelino became not only a responsible father but also a responsible leader to his Pantawid Pamilya fellow beneficiaries.

Being a Pantawid Pamilya beneficiary opened a lot of opportunities for his family.

The program has helped Angelino became an active member of their community. He became the president of PWDs in their barangay and served as the president of the Parent-Teachers Association in Yakal Elementary School. He also volunteered in their local barangay for 5 years. Currently, he was elected as a councilor of their barangay.

Through the program, Angelino became familiar with the other programs and services that DSWD offers. In fact, he became president of a Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) in Taytay where they established a business on buying and selling of fish. Meanwhile, his third child has attended the House-keeping Training provided by SLP before getting into college.

“Sa totoo lang, hindi totoo na hindi tumutulong ang gobyerno para sa aming mahihirap. Napakadaming oportunidad para sa amin at kinakailangan lang maging matiyaga para umunlad,” he said.

 

Moving Forward

Angelino’s story has inspired many families in their community. People are amazed of how he was able to cope up with poverty being a solo parent and physically challenged.

But according to Angelino, it was never easy. There were those times when he wanted to give up but his children have always come to his mind.

Kung hindi ako lalaban, paano sila? Sino pa ang tutulong sa kanila at mag-aalaga?” he exclaimed. “Laking pasasalamat ko na lang talaga sa gobyerno sa mga ibinibigay na tulong sa amin,” he added.

Angelino proves that becoming a solo parent does not mean facing lives difficulty alone. With great love and understanding of the family, they can overcome the challenges that lie ahead. ###

Posted in UncategorizedComments (0)

Aksyon ng Pantawid Pamilya upang bawasan ang basura

Ang mga naipong plastik ng mga benepisyaryo ay ginugupit at isinisilid sa 1 litrong bote ng plastik

Boac, Marinduque – Upang makatulong sa pagbabawas ng basura sa kapaligiran, ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa iba’t ibang baranggay ng Boac, Marinduque ay nangolekta ng mga balat ng tsitsirya at iba pang plastik na hindi naibebenta upang gawing mga ecobricks.

Sa isinagawang Family Development Session (FDS) ng Pantawid Pamilya ngayong buwan ng Enero, itinuro sa mga benepisyaryo ang paggawa ng ecobricks bilang kanilang aktibidad sa kanilang paksa sa Waste management and ecobrick-making. Upang makabuo ng isang ecobrick, nag-ipon ang mga benepisyaryo ng mga balat ng tsitsirya at iba pang plastik na kanilang isinisisiksik sa isang litro ngg bote na walang laman. Naglalayon ang aktibidad na ito na mabawasan ang dami ng plastik sa kapaligiran at sa kanilang mga tahanan. Ang mga plastik na naiipon ay kanilang ginugupit at isinisilid sa isang plastik na bote upang maging matigas. Magagamit ang mga ito sa paggawa ng mga bagay na kapakipakinabang katulad ng mga upuan at mesa.

Tuwing araw ng pagpupulong para sa FDS, bitbit ng mga benepisyaryo ang kanilang mga naipong ecobricks upang mamonitor ng mga Municipal Link o City Link ng Pantawid Pamilya. Ayon sa mga benepisyaryo, ang paggawa ng ecobricks ay sinasabing nagdulot kaagad ng malaking pagbabago sa kanilang pamamahay at komunidad. Dahil sa kanilang proyektong ito, wala nang mapapansing kalat sa kanilang kapaligiran dahil halos lahat ay nangongolekta ng basura. Maging mga bata ay nag-iipon at kumukuha na rin upang ibigay sa kanilang mga magulang. Ang iba naman ay ginagawang libangan ang paggupit ng mga plastik na inilalagay sa mga plastik na bote. Bukod sa nakakatulong ito sa kapaligiran, nagbibigay rin ito ng kalibangan sa mga benepisyaryo.

Ipagpapatuloy sa susunod na buwan ang kanilang natapos na mga ecobricks at pagpaplanuhan kung ano ang kanilang maaring buuin gamit ang mga ito.

Contributor: Ezra Mae Par Pelaez

Posted in UncategorizedComments (0)

Bangbangalon Consumers Cooperative, Nagkaisa sa Pagsasaayos ng Kanilang Munting Opisina

Noong ika-30 ng Setyembre 2018, ang Bangbangalon Consumers Cooperative (dating Bangbangalon SLP Association) ng Boac, Marinduque ay nagsagawa ng sama-samang pagsasaayos at pagpapaganda ng kanilang munting opisina. Munti mang maituturing, ito ay nagsisilbing tahahan kung saan magsisimula ang mga pangarap ng pagsulong at pagtawid mula sa kahirapan.

Ang bawat miyembro ay naglaan ng kani-kanilang oras upang maisaayos ang kanilang opisina. Ayon kay Ginang Anelor M. Lamoc, chairperson ng kooperatiba, “dito ilalagak ang lahat ng kagamitan ng kooperetiba na ginamit sa negosyong catering. Dito rin ginagawa ang paghahanda at pagluluto ng pagkain. At ngayong maayos na, maaari na din kaming makapagpulong dito buwan-buwan.”

“Para mapalago ang ibinigay na tulong sa amin ng gobyerno, kailangan naming maghanap pa ng ilan pang mga pagkakakitaan tulad ng mga tindahan o mga processing [center] para mayroong alternatibong magagawa pang iba hindi lang catering at feeds retailing,” dagdag pa niya.

Ikinuwento naman ni Ginang Mercedita Oracion, cook ng kooperatiba, “nakatulong sa aking pamilya ang samahan dahil sa ako ang tumatayong cook sa aming catering.  Ako rin ay isa sa mga nakaka-attend ng mga libreng seminar ng DSWD at sa ngayon willing pa din akong dumalo ng mga seminar para madagdagan ang aking kaalaman.“

“Gusto kong magpasalamat sa DSWD, sa tulong na ibinigay nila sa amin ngayon na malaki talagang kaalwanan sa amin. Kung baga po sa mga naghihirap na hindi makatugon sa pag-aaral ng mga anak. Gusto po namin magpasalamat sa inyo nang lubos lalung-lalo na po sa aming dating PDO na si Sir Adonis (Provincial Coordinator sa ngayon) kahit po kami ay pasaway, kami po ay tinutukan niya,” madamdaming pasasalamat ni Ginang Anelor. Bukod sa teknikal na kaalaman, kooperasyon at pagkakaisa ang ilan sa mga mahahalagang katangian na dapat matutunan ng bawat myembro ng isang samahan upang sila ay umangat sa kahirapan. ###

 

Contributor:

John Paul B. Abaincia, Project Development Officer II, Marinduque

Posted in UncategorizedComments (0)

Mahirap pero Magtatagumpay: An ESGGPA Scholar Success Story

Hindi porke mahirap, titigil ka na. Kung may pangarap ka, lahat ay gagawin mo matupad lang ito.”

Ito ang katagang nasambit ni Ivy Joy Aguiflor, isang Expanded Students’ Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) scholar ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pakikipagtulungang ng Comission on Higher Education (CHED), na nagtapos na Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education Major in Mathematics sa Marinduque State College mula sa Guisian, Mogpog, Marinduque.

Ayon kay Ivy, malaking tulong ang pagiging ESGP-PA scholar niya upang makapagtapos siya ng pag-aaral.

Si Ivy ay nagmula sa isang mahirap na pamilya na naninirahan sa Brgy. Guisian, Mogpog Marinduque. Ang kanyang ama ay si Crispin Aguiflor na isang mangingisda at ang kanyang ina naman ay si Marilyn Aguiflor na isang mabuting maybahay. Siya ay panganay sa tatlong magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay mga kapwa masisikap din sa pag-aaral si Mark Denver, 17 taong gulang na nag-aaral sa Marinduque State College na nasa ika 12 na baitang, samantalang si Ellen Grace ay nasa ika 11 na baitang sa paaralan ng Quezon-Roxas High School of Marinduque Foundation Inc. Mula sa maliit na kita sa pangingisda ng kanyang ama ay pinagkakasya nila ang pang araw araw na gastusin.

Hangad ng kanilang mga magulang na makapagtapos sila lahat ng pag-aaral upang maging maganda ang kanilang kinabukasan. Ngunit di alintana na umabot sa puntong, silang magkakapatid ay sabay-sabay na nagsipag-aral, at dahil dito sila ay kinakapos. Laking pasasalamat nila na kabilang sila sa  Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nakakatanggap ng tulong mula sa gobyerno, kung saan ang dalawa niyang nakababatang kapatid ay benepisyaryo ng programa samantalang siya naman ay isang Scholar ng ESGPPA.

Bagaman, sadyang napakahirap ng buhay at madalas ay salat sa lahat ng bagay ang kanilang pamilya dumating sa sitwasyon na pinahihinto na siya ng kanyang ama dahil hindi na kakayanin ang tumataas na gastusin. Ngunit di sya nagpatinag, gumawa siya ng paraan para maipagpatuloy pa niya ang kanyang pag-aaral. Dobleng pagtitipid ang kanyang ginawa para mabawasan ang kanyang gastusin na kung saan ang mga kagamitan niya sa pag-aaral katulad ng pag-photocopy ng kanilang mga aralin ay kanya na lamang niyang sinusulat. May pagkakataon sya na lumapit sa munisipyo para himingi ng tulong pinansyal para sa karagdagang allowance.

Laking tuwa ni Ivy nang nagbunga ang kaniyang paghihirap nang siya ay naging Cum Laude noong siya ay grumadweyt noong Marso 2018. Hindi biro ang mga karanasan na kanyang pinagdaanan upang marating niya ang dulo ng tagumpay kung kaya malaki ang kanyang pasasalamat sa programa ng gobyerno na isa sa naging dahilan upang marating niya ito. Ika nga niya, “ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap.” ###

 

Submitted by: Myka Ciela R. Granaderos

Posted in UncategorizedComments (0)

QRT Portal

Listahanan: Tuloy ang Pagbabago

  • CHILDREN
  • COLLEGE
  • DISABILITY
  • DISPLACEMENT DUE TO DISASTERS
  • ELECTRICITY
  • FARMERS FORESTERS FISHERFOLKS-
  • HIGHSCHOOL
  • IP Listahanan data
  • IP
  • MALE
  • Nutrition
  • OCCUPATION
  • OUTER WALLS
  • POOR HHS
  • ROOF
  • SAFE WATER ACCESS
  • SENIOR CITIZENS
  • http://wowslider.com/
  • WOMEN
cssslider by WOWSlider.com v8.7

Transparency Seal

Organizational Outcomes

Reference Maps

Tweet Us use Hashtag #DSWDMIMAROPA

April 2020
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZHNfcm90YXRlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzE8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjVhLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjViLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzM8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjVjLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjVkLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X2ltYWdlPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8zMDB4MjUwYS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Fkc2Vuc2U8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF90b3BfZGlzYWJsZTwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2ltYWdlPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDEzLzA3L2Jhbm5lcl9taW1hcm9wYS5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF90b3BfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzE8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRhcmtibHVlLmNzczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2F1dGhvcjwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gZmVhdHVyZWQgc3RvcmllczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXRfZW50cmllczwvc3Ryb25nPiAtIDY8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19mZWVkYnVybmVyX2lkPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl91cmw8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19nb29nbGVfYW5hbHl0aWNzPC9zdHJvbmc+IC0gPHNjcmlwdCB0eXBlPVwidGV4dC9qYXZhc2NyaXB0XCI+DQoNCiAgdmFyIF9nYXEgPSBfZ2FxIHx8IFtdOw0KICBfZ2FxLnB1c2goW1wnX3NldEFjY291bnRcJywgXCdVQS0xNjg0OTA1Ni0xXCddKTsNCiAgX2dhcS5wdXNoKFtcJ190cmFja1BhZ2V2aWV3XCddKTsNCg0KICAoZnVuY3Rpb24oKSB7DQogICAgdmFyIGdhID0gZG9jdW1lbnQuY3JlYXRlRWxlbWVudChcJ3NjcmlwdFwnKTsgZ2EudHlwZSA9IFwndGV4dC9qYXZhc2NyaXB0XCc7IGdhLmFzeW5jID0gdHJ1ZTsNCiAgICBnYS5zcmMgPSAoXCdodHRwczpcJyA9PSBkb2N1bWVudC5sb2NhdGlvbi5wcm90b2NvbCA/IFwnaHR0cHM6Ly9zc2xcJyA6IFwnaHR0cDovL3d3d1wnKSArIFwnLmdvb2dsZS1hbmFseXRpY3MuY29tL2dhLmpzXCc7DQogICAgdmFyIHMgPSBkb2N1bWVudC5nZXRFbGVtZW50c0J5VGFnTmFtZShcJ3NjcmlwdFwnKVswXTsgcy5wYXJlbnROb2RlLmluc2VydEJlZm9yZShnYSwgcyk7DQogIH0pKCk7DQoNCjwvc2NyaXB0PjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvMy1kc3dkbG9nb193cC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaG93X3ZpZGVvPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV9oZWlnaHQ8L3N0cm9uZz4gLSAxODA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaW5nbGVfd2lkdGg8L3N0cm9uZz4gLSAyNTA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190YWJzPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190aGVtZW5hbWU8L3N0cm9uZz4gLSBHYXpldHRlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fdXBsb2Fkczwvc3Ryb25nPiAtIGE6Mjp7aTowO3M6NjQ6Imh0dHA6Ly93d3cuZm80Yi5kc3dkLmdvdi5waC93cC1jb250ZW50L3dvb191cGxvYWRzLzQtZmF2aWNvbi5wbmciO2k6MTtzOjY4OiJodHRwOi8vd3d3LmZvNGIuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy8zLWRzd2Rsb2dvX3dwLnBuZyI7fTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3ZpZGVvX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gdmlkZW88L2xpPjwvdWw+