MALATE, MANILA – Alinsunod sa layunin ng Pantawid Pamilya na bigyan ng serbisyo ang bawat mahihirap na pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapaaral at pagpapanatili sa eskwelahan ng mga batang benepisyaryo, kasalukuyang isinasagawa ang Open Selection. Ang Open selection ay isang aktibidad ng programa kung saan binibigyan ang mga benepisyaryo ng pagkakataon at karapatan na pumili kung sinong anak ang maari at nais nilang iparehistro sa programa upang ma-monitor sa edukasyon.

Partikular ang Open Selection sa pagpaparehistro ng mga batang kabilang sa mga sambahayang hindi pa nakukumpleto ang limit na tatlong bata, at pagrerehistro ng panibagong bata kapalit ng mga batang imino-monitor pa ng programa ngunit hindi na pumapasok sa eskwela, mga nasa kolehiyo na, o mga nakatapos na ng high school. Sa pamamagitan ng Open Selection, masisiguro na ang mga sambahayang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya ay mairerehistro ang kanilang mga anak na nag-aaral o nagpakita ng interes sa pag-aaral nang mapakinabangan nila ang nararapat na grants para sa kanila.

Ang Open Selection ay mangyayari mula Pebrero hanggang Marso ngayong taon.

Lahat ng benepisyaryong narehistro noong taong 2008 at may batang edad tatlo (3) hanggang labing-walo (18) sa darating na June 1, 2015 ay maaring makiisa sa Open Selection. Maire-rehistro ang mga batang benepisyaryo alinsunod sa sumusunod:

  1. Siya ay ANAK o APO ng tumatayong Household Head ng sambahayan
  2. Siya ay may status na ACTIVE (mga benepisyaryong sumusunod sa mga kondisyon ng programa at nakakatanggap ng cash grants) at dapat na nakatira sa bahay ng sambahayan
  3. Siya ay naka-enroll sa eskwelahan mula daycare hanggang 4th year high school. Kung siya ay hindi naka-enroll ngunit may interes na bumalik sa eskwelahan, maaari pa rin siyang iparehistro/ipalit ngunit dapat ay ma-update sa sistema ang kanyang enrolment status pagsapit ng School Year 2015 bago mag Period 5 (September) 2015. Kung hindi ito ma-update, ang bata ay hindi mairerehistro sa programa pagkatapos ng Open Selection. Kapag ang batang hindi naka-enroll  ay hindi narehistro gamit ang Open Selection, hindi na siya maaaring palitan ng iba pang bata sa roster ng sambahayan.

Maaring lapitan ang mga City/Municipal Links kung nais magparehistro o magpalit ng kasalukuyang nakarehistrong anak at para sa karagdagan pang impormasyon. Ang Open Selection ay gagawin kasabay ng Family Development Sessions (FDS) hanggang Marso ng taong 2015 lamang.

Lubos na hinihikayat ng programa  na ang mga mas nakatatandang bata na nasa high school ang mai-rehistro sa programa upang sila ay makatapos ng high-school. ###

 

 

Loading