MALATE, Manila- Ayon sa datos ng Listahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA,  may 1,491 kababaihang mahirap na may kapansanan sa Occidental Mindoro; 1,448 sa Oriental Mindoro; 460 sa Marinduque; 718 sa Romblon; at 2,341 sa Palawan.

Samantalang ang pinakamaraming mahihirap na babaeng may kapansanan ay matatagpuan sa Puerto Princesa City, Palawan sa bilang na 480. Pumangalawa ang bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro sa 439 bilang at sumunod ang bayan ng San Jose, Occidental Mindoro na may 389 na kababaihan.

Nitong ika-15 ng Pebrero, pinangunahan ng DSWD ang selebrasyon ng ’13th Women with Disabilities Day na may temang,  “Babaeng May Kapansan, Manguna at Maninidigan Tungo sa Pagbabago” sa bayan ng Boac, Marinduque.

Ang huling Lunes sa buwan ng Marso ay idineklarang Women with Disabilities Day ayon sa Proclamation No. 744 na nilagdaan noong 2004 ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.###

N.B. February 2016 Listahanan Database

Loading