Upang ipakilala at ipakita ang ilan sa mga pinakamagaganda at natatanging produkto ng rehiyon ng MIMAROPA, isinagawa ng Department of Trade and Industry o DTI ang ikatlong MIMAROPA Naturally Agri-Trade and Tourism Fair 2017 noong ika-labingwalo hanggang ika-dalawampu’t dalawa ng Oktubre 2017 sa Megatrade Halls 1 & 2, SM Megamall, Mandaluyong City.

Ipinakita ng DSWD MIMAROPA ang pagsuporta sa aktibidad sa pamamagitan ng partisipasyon ng Manggagawang Aktibo na Naglalayong Harapin ang Kinabukasan Sustainable Livelihood Association o MANHAK SLPA at Native Handicraft SLPA ng Looc at San Andres, Romblon.

Fresh at ready-to-eat blue crabs and inihanda ng MANHAK para sa mga customers nito habang mga native na walis at bags naman ang sa Native Handicraft SLPA. Matatandaan na ang MANHAK ang itinanghal na kampeon sa nakaraang Bangon Kabuhayan 2017 kung saan inilaban nila ang proyekto nitong blue crab fattening.

Itinatayang nasa pitumpung booths ang nakilahok sa nasabing aktibidad. Ayon kay Binibining Chyntia Deocades, Project Development Officer ng Romblon, “Inimprove na  namin ang packaging ng blue crabs. Dati kasi styro lang ang gamit namin, e medyo nahihirapan ang customers na bitbitin. Bukod dito, inayos na din namin ang management system. Bawat isa sa ating beneficiaries ay alam na nila ang gagawin nila. May nagluluto, nagseserve, at nag-aasikaso sa mga customers.”

Nais ng DSWD MIMAROPA na lumahok pa ang mga Sustainable Livelihood Program Association o SLPA nito sa mga ganitong aktibidad na naglalayong ipakilala ang mga natatanging produkto ng rehiyon.

Loading