Nagsagawa ng dalawang magkahiwalay na Program Review and Evaluation Review (PREW) ang Sustainable Livelihood Program nitong Disyembre upang ipunin ang lahat ng tagapagsagawa ng programa mula sa limang probinsya na bumubuo sa rehiyon ng MIMAROPA.

Ang unang pangkat na ginanap sa Puerto Princesa City, Palawan noong ika-apat hanggang ika-pito ng Disyembre taong 2017 ay dinaluhan ng apatnapu’t tatlong kalahok na binubuo ng Provincial Coordinator at Project Development Officers ng Palawan.

Samantala, ang ikalawang pangkat naman na binubuo ng walumpu’t dalawang kalahok mula sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon ay nagsama-sama sa Makati, Metro Manila noong ika-labindalawa hanggang ika-labingapat ng Disyembre 2017.

Ang PREW ay inorganisa upang ipaalam sa mga kalahok ang kabuuang performance ng buong rehiyon nitong taon kabilang na ang physical and financial accomplishments ng programa.

Katuwang ang Regional Program Management Office (RPMO) ng MIMAROPA, ang field office ng bawat probinsya ay sama-samang gumawa ng Physical at Financial Targeting para sa munisipyo at buong probinsya para sa taong 2018.

Bawat miyembro ng RPMO ay naghanda din ng kani-kanilang ulat ukol sa programa.  Layunin ng pagtitipon na ito na palakasin pa ang performance ng programa sa pamamagitan ng pagpaplano sa susunod na taon.

Loading