Ipinagdiwang ng mga residente ng Odiongan, Romblon ang ika-171 na anibersaryo ng bayan noong ika-isa hanggang ika-anim na Abril ng taong 2018. Kasabay nito ay ang taun-taong Kanidugan (Coconut) Festival upang magbigay-karangalan sa patron nito na si San Vicente Ferrer.

Bilang parte ng pagdiriwang, nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Agri-Trade Fair na nilahukan ng iba’t ibang MicroSmall and Medium Enterprises (MSMEs) sa probinsya. Isa sa mga nakilahok ay ang Ambulong Sustainable Livelihood Association ng Magdiwang, Romblon kung saan itinampok nila ang produktong banana chips.

Layunin ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na itaas ang antas ng kabuhayan ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan tulad ng trade fair kung saan naipapakita ang mga ipinagmamalaking lokal na produktong nilikha mismo ng mga benepisyaryo ng programa.

 

Photos from:

Chyntia Deocades, Project Development Officer II, Romblon

Loading