Nagtipon-tipon ang mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bulalacao, Oriental Mindoro noong ika-30 ng Mayo taong 2018 upang tanggapin ang tseke para sa mga proyektong pangkabuhayan na nakalaan sa kanilang asosasyon.

Nasa 147 na benepisyaryo mula sa siyam na asosasyon ang tumanggap ng tseke na nagkakahalaga ng Php 1, 442, 160.00 sa kabuuan. Ang (1) Romvia-Poblacion SLP Association, (2) Cabugao Masagana SLP Association, (3) Nasucob-Maharlika SLP Association, (4) Cambunang Gintong Butil SLP Association, (5) Sea Shore SLP Association, (6) Nasucob Shooting Star SLP Association, (7) Tabok Malasugui SLP Association, (8) San Juan Tafarma SLP Association, at (9) Sea Side SLP Association ay nakapagkumpleto ng mga kinakailangang dokumento para sa akreditasyon.

Sinimulan ni Bb. Cynthia Apilado, Day Care Worker II, ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagbibigay ng panimulang pagbati sa lahat ng dumalo na sinundan naman ng makahulugang mensahe mula kay Ginang Florefe Y. Dimaala, Provincial Coordinator ng SLP at Ginoong Gideon Abuel, Municipal Administrator ng Bulalacao.

Ilan sa mga proyektong pangkabuhayan na nilaanan ng pondo ay ang tindahan sa komunidad, kagamitan sa pagsasaka at pangingisda, pag-aalaga ng manok at produksyon ng itlog, at buy and sell. Bukod sa pondo, ibinigay din sa mga benepisyaryo ang sertipiko ng akreditasyon ng kanilang asosasyon.

Si Ginang Michelle Andasan, Project Development Officer II ng Bulalacao, naman ang nanguna sa huling pangungusap. Ang pagbibigay ng tseke ay sinundan ng pagtitipon sa mga asosasyon upang ipaliwanag ang mga hakbang na dapat gawin sa pondo at ang mga responsibilidad na dapat nilang gampanan.

 

Loading