Pangarap ng Mahirap

 

Pusong palaban, grupong maaasahan

Tayo’y malalapitan ng ating kababayan

Ang mahihirap ay ating prayoridad

Sila ay i-aahon at bibigyan ng seguridad

 

Kalahi CIDSS ano ng aba io

Tanong ng mamamayang tila nalilito

Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan

Ito ang kailangan ng ating kababayan

 

Kapatid nating mahihirap, layunin nating iangat

Alam nating lahat ito’y kanilang pangarap

Tayo’y maging tulay upang ito ay maabot

Ng ating kapatid na kapos at lugmok

 

Lugmok sa Kahirapan, kay hirap takas an

Ngunit kung ang mamamayan ay magtutulungan

Ang nasabing pagdarahop ay madaling maibsan

Palakasin, paunalrin, payamanin ang kanilang kakayahan

###

Ito ay isa sa mga tulang isinulat ng mga Community Volunteer ng DSWD Kalahi-CIDSS noong nakaraang Community Volunteer’s Congress taong 2017. Ang mga Community Volunteer ng DSWD Kalahi-CIDSS ay hinihikayat na ipahayag ang kanilang mga karanasan at mga natutuhang aral sa malikhaing pamamaraan gaya ng pag sulat ng mga tula.

Loading