MARINDUQUE– Ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA kay Lola Waning mula sa bayan ng Mogpog ang P100,000.00 bilang regalo kasabay ng kaniyang pagdiriwang ng ika-100 taong gulang ngayong 2020.

Ito ay alinsunod sa Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016 na kumikilala sa lahat ng mga Pilipinong umabot ang edad sa isang daang taong gulang.

Pinangunahan ni Ginang Helen Alcoba ng DSWD Marinduque Provincial Office ang nasabing seremonya noong Huwebes. Naging saksi din si Mogpog OSCA President Fe Magdurulan sa pagkilala kay Lola Waning.

Si Lola Waning ang ika-tatlong sentenaryong nakatanggap ng pagkilala sa nasabing bayan. Una na siyang nakatanggap ng centenarian gift mula sa lokal na pamahalaan ng Mogpog na nagkakahalaga ng P50,000.00 at P80,000. 00 mula naman sa panlalawigang pamahalaan ng Marinduque.

Sa kasalukuyan, may isa pang sentenaryo sa Mogpog ang nasa proseso ng balidasyon upang matukoy kung siya ay umabot na 100 taong gulang. ###

Loading