GASAN, MARINDUQUE – Nagsagawa ng Orientation on Sexual Harassment in the Workplace ang Sustainable Livelihood Program (SLP) sa pakikipagtulungan sa Marinduque Provincial Police Office (MPPO) na aktibong dinaluhan 12 empleyado ng programa noong ika-20 ng Oktubre, 2020.

Pinangunahan nina Mr. Adonis Analista, SLP Marinduque Provincial Coordinator at Ms. Marieta J. Manzo ang kalahating araw na oryentasyon na layong palawigin ang kaalaman ng bawat isa sa kung paano maiiwasan ang kaharasang sekswal sa trabaho.

Tinalakay naman nina PLT Marivic L. Cabaccan, Officer-in-Charge of Women at Children Protection Desk (WCPD) at PEMS Violy Hernandez ng MPPO ang kahulugan at iba’t ibang uri ng kaharasang sekswal na napapaloob sa RA 7877 at mga kaukulang parusa nito. Nabanggit din sa talakayan ang iba’t ibang halimbawa ng kaharasang sekswal upang lalong mas mainitindihan ng mga kalahok ang paksa ng aktibidad.

Bukod sa layuning iahon ang sistemang pangkabuhayan ng mga mahihirap at bulnerableng sektor, mahalaga din para sa SLP Marinduque ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa konteksto ng Gender and Development (GAD) upang makatulong na mamulat ang mga empleyado at benepisyaryo sa usaping ito.

Dagdag pa, bahagi rin ng talakayan ng mga buwanang pagpupulong ng SLP ang GAD orientation at iba pang paksa na kaugnay dito.

###
PLT Marivic L. Cabaccan, Officer-in-Charge of Women at Children Protection Desk (WCPD) at PEMS Violy Hernandez ng MPPO bilang Resource Persons ng Orientation on Sexual Harassment in the Workplace

 

Mr. Adonis Analista, SLP RPC at mga kasapi ng SLP Marinduque na dumalo sa oryentasyon.

Contributor:

Marieta J. Manzo, Project Development Officer II, Marinduque

Loading