Isang malaking hamon sa buhay ni Dario Solita ang community quarantine dulot ng COVID-19 at ng magkasunod na bagyong Quinta at Rolly noong taong 2020 na puminsala sa kaniyang kabuhayan sa Brgy. Daykitin, Buenavista, Marinduque.

Sa kaniyang determinasyon na iahon muli ang nasirang taniman ay napasama si Tatay Dario sa mga benepisyaryong napagkalooban ng Livelihood Assistance Grant mula sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD noong ika-15, Oktubre, 2020. Sa kabuuan ay 59 kwalipikadong benepisyaryo ang tumanggap ng tulong pinansyal na umabot sa Php 855,000.00 mula sa programa sa munisipalidad.

Ayon sa kanya, lubos na nakatulong ang natanggap na halaga lalong lalo na sa pagbangon muli ng kanyang taniman. Gamit ito ay makabibili na muli sya ng kaniyang mga pangangailangan tulad ng mga binhi at iba pang kagamitan sa kaniyang.

Ang Livelihood Assistance Grant ay isa sa mga recovery programs ng DSWD na naglalayong makapagbigay na tulong pangkabuhayan na hindi hihigit sa Php 15,000.00 para sa mga kwalipikadong indibidwal na apektado ng umiiral na COVID-19 pandemic na gustong magtayo o ipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.

Patuloy ang PagSibol at PagSulong kasama ang DSWD SLP at mga nangangailangan tulad ni Tatay Dario Solita.

Loading