Hindi naging madali para kay Noreen Sumawang ng Brgy. Poblacion, Narra, Palawan ang araw-araw na pamumuhay ng kaniyang pamilya simula ng ideklara ang malawakang community quarantine dulot ng COVID-19 noong nakaraang taon.

Dahil dito, tatlong buwan na natigil ang kaniyang pagtitinda sa maliit na food stall na kaniyang nirerentahan sa Narra Public Market. Napilitan din si Noreen na hatiin ang kaniyang puhunan upang maibili ng kanilang mga pangangailangan.

Matapos ang ilang buwan ng pagtityaga at tamang pagbabadyet ay napabilang si Noreen sa mga kwalipikadong indibidwal na makatatanggap ng Livelihood Assistance Grant (LAG) mula sa Sustainable Livelihod Program (SLP) noong Oktubre 2020 sa kanilang lugar.

Ang kaniyang natanggap na Php 7,000.00 ay naging daan upang masimulan niyang muli ang kaniyang food vending business tulad ng pagtitinda ng hotcake, banana cue, emapanada, turon, at okoy.

Salamat sa DSWD sa karagdagang puhunan. Malaking tulong ang aking natanggap pambili ng mga sangkap na kailangan sa aking mga niluluto, sa halip na mangutang na mahirap sa panahon ngayon.” pasasalamat ni Noreen.

Layunin ng LAG na matulungang makabangon muli ang mga maliliit na negosyong naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sama-sama tayo mula sa PagSibol hanggang sa PagSulong!

Loading