Isinagawa ng DSWD MIMAROPA Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Regional Project Management Office (RPMO) ang region-wide online coaching at mentoring session sa pagpapabalik ng mga batang Not Attending School (NAS) mula ika-17 hanggang ika-27 ng Nobyembre 2020.

Layunin ng coaching at mentoring session na siyasatin nang maigi ang mga dahilan kung bakit tumitigil sa pag-aaral ang mga batang benepisyaryo ng programa sa rehiyon at alamin ang mga aktibidad at interbensyong naaangkop upang matugunan ang mga nasabing dahilan.

“Hindi lahat ng sitwasyon  ng mga bata ay pareho at lahat ay nangangailangan ng iba’t ibang uri ng interbensiyon. Kaya naman nagpapasalamat kami na may mga ganitong uri ng coaching at mentoring dahil makakatulong ito sa amin upang makahanap ng paraan para mapanatili sa paaralan ang ating mga batang benepisyaryo” ani ni Roxanne Pauline Tan, DSWD Staff mula Socorro, Oriental Mindoro.

Ang coaching at mentoring session ay dinaluhan ng mga 293 DSWD MIMAROPA Pantawid Case Workers mula sa buong rehiyon na.

Sa kasalukuyan, may 1, 527 batang tumigil sa pag-aaral ang napabalik na sa eskwela dahil sa interbensyong ibinigay ng mga Case Workers ng DSWD MIMAROPA Pantawid. ###

Loading