Magdiwang Romblon– Nagbunyi ang mga mamamayan ng Barangay Tampayan sa kanilang natanggap na evacuation center cum multi-purpose hall noong umaga ng Hunyo 7, 2017 mula sa kalahi cidss. Ang pagpapasinaya ng nasabing imprastraktura ay dinaluhan ng mga mamamayan at volunteers ng Kalahi CIDSS sa Barangay Tampayan, mga volunteers mula sa katabing Barangay ng Agutay, mga miyembro ng Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni Mayor Denisa Repizo, mga opisyales ng barangay Tampayan kasama ang lahat ng mga punong barangay mula sa Bayan ng Magdiwang at mga kawani ng Kalahi CIDSS mula sa sub-regional at regional office.

KANLUNGAN SA MASAMANG PANAHON– “Mabilis tumaas ang baha sa tampayan lalo at walang hupa ang pag ulan kaya malaking tulong sa mga kababayan ko ang evacuation center na ito upang may matakbuhan sila pag binabaha na ang mga bahay nila.” -Punong Barangay ng Tampayan.

Isa sa pinakaaantay ng mga dumalo ng nasabing pagtitipon ay ang pakikinig sa testimonya ng mga Kalahi CIDSS Community Volunteers partikular na riyan ang testimonya nila Project Implementation Team (PIT) head Raymundo delos Reyes at Warehouse keeper Bernadeth Tangco. Ito ang unang beses na nag volunteer ang dalawa para sa kanilang pamayanan at sila ya nagpahiwatig ng pagnanais na muling maging boluntaryo kung mabibigyan pang muli ng pagkakataon.

Sinabi ni G. Delos Reyes sa kaniyang testimonya “nung nag simula na yung project, ako yung tinatawag nilang segunda engineer. Kung titingnan mo, hindi naman paniniwalaan na engineer yan. Sabi ko sa sarili ko, sa ngayon iisipin ko muna yung komunidad hindi lang pansarili. At kung kakailanganin ulit ako ng aking barangay ay willing ako na mag volunteer ulit.”

Nabanggit naman ni Gng. Tangco na . “Unang beses kong nakapag trabaho buong buhay ko at masaya ako na kumita ng sarili kong sahod bilang warehouse keeper.”

Matapos ang mga testimonya ay ibinigay na sa komunidad ang mga hindi nagamit na materyales sa pag buo ng kanilang proyekto, at ang Certificte of Completion and Acceptance. Sinundan ito ng ceremonial turn-over ng susi sa operation and maintenance group na binuo ng komunidad upang mangalaga sa evacuation center. Sa pangunguna ni Mayor Repizo at DRPM Peraren, pinarangalan ng certificate of appreciation ang mga community volunteers upang bigyang pugay ang kanilang walang sawa at walang pagod na pakikibahagi sa programa.

Ang evacuation center cum multi-purpose hall ay isa sa mga proyekto na napondohan ng Kalahi CIDSS sa bayan ng Magdiwang.

Ang Kalahi CIDSS ay isa sa tatlong pangunahing programa ng DSWD na naglalayong mabawasan ang kahirapan sa rehiyong MIMAROPA. Layunin nito na mabawasan ang kahirapan, mapaigi ang pag hahatid ng mga pangunanahing serbisyong oanlipunan sa mga komunidad at mapaigi ang local na pamamahala sa pakikibahagi ng mga mamayan lalo na ang mga mahihirap na saektor sa pagpaplano at pagdedesisyon sa pamayanan.

###

Loading