ODIONGAN, ROMBLON – Aabot sa 250 na Persons with Disabilities mula sa iba’t ibang probinsya ng MIMAROPA ang dumalo at nakiisa sa 39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, ika-19 hanggang 20 ng Hulyo sa nasabing lugar.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang Regional Committee on Disability Affairs (RCDA) MIMAROPA at Lokal na Pamahalaan ng Romblon.

Alinsunod sa Proclamation No. 361 (2000) na inamendyahan ng Administrative Order No. 35 (2002) ang pagdiriwang ng 39th NDPR Week na may temang “Karapatan at Pribilehiyo ng May Kapansanan; Isakatuparan at Ipaglapan,” para sa taong ito.

Naglalayon ang aktibidad na paigtingin pa ang adbokisiya sa pagsulong ng mga karapatan at pribiliheyo ng PWDs, mapakinggan ang kanilang mga boses at maipakita ang kanilang mga natatanging talento.

Upang pormal na simulan ang pagdiriwang ng 39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, nagbahagi ng inspirational message si Purficacion Ariola, DSWD Protective Services Unit Head.

“Mayroon pong tatlong K para sa ating mga minamahal na PWDs: Karapatan, Kakayahan at Katuparan! Ang mga karapatan po ng mga may kapansanan ay kinakailangan nating proteksyuna mayroon silang mga natatanging kakayahan na. Ang lahat ng ito ay maari nating maisakatuparan kung magtutulungan po tayong lahat,” ika ni Purificacion Ariola, DSWD MIMAROPA Protective Services Unit Head.

Datos ukol sa PWDs

Ayon sa Listahanan Database, may naitalang 14, 453 na mahihirap sa buong MIMAROPA: 1, 559 dito ay nagmula sa Romblon; 3, 192 mula sa Occidental Mindoro; 3, 272 ang nasa Oriental Mindoro; 1, 073 ang nagmula sa Marinduque; at 5, 357 naman ang natukoy sa Palawan.

Sa mga natukoy na mahihirap na PWDs, 7,995 (55.3%) ang lalaki samantalang 6,458 (44.7%) naman ang babae.

Ang Listahanan ay isang pamamaraan ng pamahalaan upang matukoy kung sinu-sino at nasaan ang mga mahihirap sa buong Pilipinas.

PAGBUBUKLOD PARA SA PWDs

Ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay nagtulungan upang makapaghandog ng may malasakit na serbisyo para sa mga PWDs.

Nagsagawa ng Information Caravan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mapalawig pa ang kaaalaman ng mga PWDs at ng publiko sa mga programa at serbisyo ng departamento tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipinong Program, Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS), Sustainable Livelihood Program (SLP), Listhanan at Assistance to Individuals or Families in Crisis Situation (AICS).

Bukod pa rito nag-sponsor din ng libreng masahe ang DSWD upang mapawi ang pagod ng mga PWDs.

Samantala, nagsagawa naman ng Medical Check-up ang Department of Health (DOH) at Tahanang Walang Hagdan. Naghandog din ang DOH ng mga libreng wheelchair, tungkod at walker para sa mga PWDs.

Nagbigay naman ng pagsasanay ukol sa Food and Beverage ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng presentasyon tungkol sa Food Preparation at Packaging ang Department of Science and Technology (DOST).

Ang Lokal na Pamahalaan ng Odiongan Romblon ay nagbigay ng libreng gupit sa mga PWDs samantalang ang Provincial Government naman ng Romblon ay nagkaroon ng serbisyong manicure at pedicure at libreng sakay sa pedicab. Namahagi naman ng mga binhing pananim ang Department of Agriculture.

KAYA KO: Abilympics Contest para sa mga Persons with Disabilities

Sa kabila naman ng masamang panahon at pagpapaliban ng walk for development, hindi nagpatinag ang mga PWDs na mapalawig ang kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng pagpapakita ng ‘placards’ na naglalaman ng mga mensahe at kasabihan ukol sa may mga kapansanan.

Gayundin, hindi nagpahuli ang mga PWDs na ibahagi ang kanilang mga natatanging talento sa isanagawang ‘Abilympics’ o iba’t ibang patimpalak para sa mga PWDs.

Ang ilan sa mga patimpalak na ito ay painting, cooking, cake decoration, flower arrangement, singing at dancing contest.

Pinatunayan nila na hindi hadlang ang kapansanan upang makalikha ng mga obra maestra at makamit ang minimithing pangarap.

Nagbahagi ng testimonya ang isa sa mga representatives ng PWDs ukol sa pagbabago ng kanilang buhay dahil sa mga programa at serbisyong handog pamahalaan.

“Nagpapasalamat po ako sa gobyerno dahil po pinakita nila sa amin na may halaga kami. Pinaramdam po nila sa amin na hindi po namin dapat ikahiya ang gaming kapansan, bagkus ay gawin itong inspirasyon para mas magsikap pa at matupad ang aming mga pangarap,” ayon sa testimonya ng isang PWD na kahalok sa pagdiriwang ng 39th NDPR Week.

Loading