Puerto Princesa City, Palawan—Kasama ang mga kawani ng Kalahi CIDSS mula sa Regional Program Management Office (RPMO), bumisita ang delegasyon mula sa National Program Management Office (NPMO) sa pangunguna nila Engr. Romulo Aquino (National Community Infrastructure Specialist) at Jay Aribbay sa mga bayan ng Narra, Quezon, at Sofronio Espanola sa Palawan para sa NPMO Learning Visit na ginanap noong ika 11-15 ng Hulyo 2017.

Isa sa pangunahing layunin nang nasabing pagbisita ang makita ang kasalukuyang estado nang pagpapatupad  ng mga proyekto sa mga nabanggit na komunidad.

Nagsagawa ng FGD ang deligasyon sa mga volunteers ng Brgy. Panitian sa bayan ng Quezon sa Palawan. Dito, nailahad ng mga volunteers ang mga saya at pag subok na kinahaharap nila sa pagpapatupad ng programa.

Nagsagawa ng Focus Group Discussion ang deligasyon sa mga community volunteers ng mga binistang barangay upang direktang marinig ang kwento ng mga volunteers kung paano pinatupad ng mga volunteers ang Kalahi CIDSS sa kanilang pamayanan. Nakipag usap rin ang deligasyon sa Municipal Inter Agency Committee (MIAC) nang mga nasabing munisipyo upang malaman kung ano ang maaring maitulong ng programa upang mas mapaigi pa ang pagpapatupad ng Kalahi CIDSS sa mga nasabing munisipyo.

Matapos ang pagbisita ay nagtipon ang deligasyon upang suriin ang mga bagay na nakita sa implementasyon ng mga binisitang munisipyo na maaari pang pag-igihin o pag husayin nang rehiyon. Ilan sa mga nabanggit na mga bagay na ito ay ang mas mahusay na pagpapatupad at pamamahala ng mga sub-project, ang pag papaigi pa ng proseso ng procurement at pagpapalakas sa kakayahan ng mga community volunteers na mamuno at mamahala.

Matapos nito ay nag plano ang deligasyon kung paano maisasakatuparan ang mga pagpapaigi na napag usapan at paano ipatutupad ang natukoy na pamamaraan sa iba pang mga munisipyo na nagpapatupad ng programang DSWD Kalahi CIDSS sa MIMAROPA.

 

 

Loading