Malate, Manila– Matagumpay na naganap ang Community Volunteers Congress noong nakaraang Agosto 29-31 sa Lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan, Septeyembre 5-7 sa bayan ng Odiongan sa Romblon, at Septyembre 13-15 sa lungsod ng Calapan sa Oriental Mindoro. Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng mga Kalahi CIDSS Community Volunteers mula sa iba’t ibang bayan ng MIMAROPA.
Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng pagpapalitan ng karanasan, kwento, at stratehiya ang bawat community volunteer sa kanilang pagpapatupad ng programang kalahi cidss sa kanilang mga lokalidad; mapalalim ang kaalaman at pag-unawa ng mga community voluteers sa stratehiyang community-driven development—ang stratehiya na naglalayong maisakapangyarihan ang pamayanan sa pamamagitan ng kanilang koliktobong pakikilahok sa local na pag-paplano at pag di-desisyon sa pag gamit ng mga yaman ng kanilang pamayanan.
“Marami akong nakuhang kaalaman sa tatlong araw na pakikisalamuha ko sa ibang mga volunteer.” wika ni G. Sawid mula sa Bayan ng Balabac sa Palawan. Napatibay rin ng nasabaing aktibidad ang samahan ng mga Community Volunteers sa pamamagitan ng pagpapalitan nila ng kanilang mga karanasan sa Kalahi.
“Makakapag tanong na ako sa ibang mga volunteers sa ibang bayan pag nagkaroon kami ng problema sa implementation” wika naman ni G. Fedelin.
Naliwanagan rin ang mga Community Volunteers sa kanilang direksyong kailanag tahakin nang iprisenta sakanila ang kasalukuyang estado ng pagpapatupad ng programa sa kani-kanilang mga probinsya. “Kayo pong mga volunteers ang dahilan ng patuloy nap ag yabong ng programa, kayo po ang nagbibigay lakas sa programa kaya kailangan ang aktibo ninyong partisipasyon upang ma-empower pa ang ibang mga miyembro ng inyo pong mga pamayanan.” Winika ng sub-regional program coordinator ng kalahi CIDSS sa Palawan na si Gng. Ma. Claire Panganiban nang kanyang ipakita ang kalagayan ng mga proyekto sa probinsya ng Palawan. Nag prisinta rin ang isang community volunteer at Regional bayani Ka awardee mula sa Bayan ng Baco Oriental Mindoro na si G. Jordan Fajardo. Ipinahayag nya sa mga kapwa nya volunteer kung paano mahikayat ang mga tao sa komunidad na makilahok sa programa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga kumikitang samahan na siya ring mangangalaga sa proyekto.
Ipinamalas rin ng mga volunteer ang kanilang mga talento sa kanilang pag Sali sa iba’t ibang patimpalak sa pag sulat, pag-guhit, pag-tatalumpati, at pagpapakita ng mga katutubong sayaw. At sa huling araw ng pagtitipon ay sinambit ng mga Community volunteers ang “panata ng lider kalahi cidss” kung saan kanilang ipinapanata ang sama-samamng pagkilos nang may malasakit at walang sawang pagsisilbi sa kanilang pamayanan.
###