“In-lab”

ni G. Gaius Garcia*

 

Ng aking marinig na ikaw ay dumating  

Sa bayan kong kinalakihan, hindi kita pinansin

Bahala ka riyan, wag akong abalahin

Sapagkat ako ay busy rin  sa aking mga gawain.

 

Taon ang nagdaan, nalaman kong nandyan ka pa rin

Kaya’t ako ay nag-usisa, ano nga ba ang iyong layunin

Bukambibig ng mamamayan, bayan ay pagpapalain

Kaunlaran sa bayan ko ay iyon adhikain.

 

Lingid sa iyong kaalaman, puso ko ay tuwang-tuwa

Sa taglay mong ganda, unti-unti akong nahalina

Kaya’t ng ako ay niyaya, niyakap kita agad

Buhay ko ay nagbago, salamat nakilala ka.

 

Lumipas man ang panahon, at di na tayo magkasama

Sa puso at isip ko ikaw ay nakatatak na

Kaya’t isang text o tawag mo lang, di na ako magkandaugaga

KALAHI-CIDSS, sinta ko, Inlab na yata ako sa’yo.

 

*Si G. Gaius Garcia ay isa sa mga Community Volunteers ng Kalahi CIDSS sa bayan ng Looc, Romblon. Sa ngayon, sya ang tumatayong Barangay Sub-Project Management Committee Chairperson sa kanilang barangay. Itinalaga rin sya ng kapwa niya mga volunteers noong nakaraang taon upang tumayong isa sa mga Volunteer Coordinator sa Probinsya ng Romblon. Naging inspirasyon ni G. Garcia na isulat ang tula ang kanyang pakikilahok sa Kalahi CIDSS at sa kanyang pakikisalamuha sa kanyang mga kapwa Community Voluteers. I-prinisinta niya ang tulang ito noong nakaraang Community Volunteers’ Congress sa probinsya ng Romblon.

 ###

Loading