Calapan City, OrMin – Upang higit na palakasin at paunlarin ang Social Protection Support Initiatives (SPSI) Convergence Project nagsagawa ng Program Review and Evaluation Workshop ang SPSI sa nasabing lugar.
Ang SPSI Convergence Project ay ang pinagbuklod-buklod na mga proyekto ng: Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Sustaining Interventions in Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) project; Department of Health (DOH) sa kanilang Watching Over Mother and Babies (WOMB); at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang Sigurado at Garantisadong Insurance Pangkalusugan (SAGIP) Project na naglalayong mapaangat ang pangkabuuang pamumuhay ng mga mahihirap na natukoy ng Listahanan lalo na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ang pinakapuso at sentro ng SPSI Convergence Project ay ang kanilang Electronic Referral System para sa SIPAG, WOMB at SAGIP information system na nakikitang mekanismo upang pagtibayin ang Cross-Agency Data Sharing at padaliin ang pagalam sa mga priority cases upang pagbuklurin ang mga serbisyong inahahandog ng DSWD, DOH at Philhealth.
Sa unang bahagi ng programa, ibinahagi ni DSWD-NCTSU Dir. Christian Deloria at iba pang kinatawan ang mga nagawa at kasalukuyang kalagayan ng SPSI sa probinsya ng Oriental Mindoro.
Upang higit namang mapaunlad ang programa, nagsagawa ng prioritization workshop ang grupo na pinangunahan ni Ms. Julieta Flores, Project Development Officer III ng SIPAG Project.
“Mahalagang makagawa tayo ng action plan kung papaano natin matugunan ang mga isyu at pagsubok na kinaharap natin sa pagimplementa ng ating programa upang masiguro natin ang patuloy nitong pag-usad at pagunlad,” ika ni Ms. Flores.
Taong 2011 ng magsimula ang SPSI Convergence Project sa anim na munispyo ng Oriental Mindoro: Bansud, Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Naujan at Pola. Lumawak at nakompleto ang implementasyon nito sa syudad ng Calapan at walo (8) pang munisipyo kabilang ng Baco, Gloria, Pinamalayan, Puerto Galera, San Teodoro, Socorro at Victoria noong Hunyo, 2014.
Ngayong 2017 na ang huling taon ng implementasyon ng SPSI Convergence Project sa Oriental Mindoro.
“Ang SPSI program ay isa sa pinakamatagumpay na programa ng gobyerno na aking nakita. Ito ay isang magandang modelo kung papaano makakapagbigay ng mas epektibong serbisyo ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa masang Pilipino. Mainam na nakagawa tayo ng sustainability plan sa huling taon ng implementasyon nito sa Oriental Mindoro,” pagtatapos ni Dir.Deloria.