Malate, Manila—Isinagawa ang Municipal Inter-Barangay Forum – Priority Resource Allocation para sa Tier 2 ng DSWD Kalahi CIDSS sa Bayan ng Bansud sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong ika 30 ng Oktubre taong kasalukuyan. Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga Community Volunteers ng Kalahi CIDSS kasama ang mga punong barangay sa kanilang mga barangay, mga department heads ng lokal na pamahalaan ng Bansud, mga kasapi ng sangguniang bayan, mga representante mula sa Philippine National Police ng Bansud, at mga kawani ng DSWD kalahi CIDSS ng Bansud.

Sa labing tatlong (13) barangay na nag lahad ng kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng iba’t ibang presentasyon, apat (4) ang napiling barangay na mapondohan. Ito ay ang mga sumusunod na barangay:

  • Barangay ng Malo- Concreting of Access Road with Box Culvert
  • Baragany Alcadesma- Construction of 3 Classroom high school building
  • Barangay Manihala- Concreting of Access Road to IP area
  • Barangay Proper Tiguisan – Concreting of Access Road

Matapos mapili ang mga nasabing barangay, nagpahayag ng pasasalamat at panghuling pagbati si G. Alex Medrano, ang Association of Barangay Chairpersons President at Chairperson ng Barangay Poblacion.

Ang MIBF RRA ay isang aktibidad kung saan pinipili ang proyektong popondohan ng DSWD Kalahi CIDSS base sa napag kasunduang pamantayan na nabuo noong nakaraang MIBF Criteria Setting Workshop.

###

Loading