Magsaysay, Occidental Mindoro—Nagsagawa ng IP exernal monitoring ang Asian Development Bank (ADB) sa mga Katutubong Mangyan sa bayan ng Magsaysay Kanlurang Mindoro noong ika 20-26 ng Nobyembre, taong kasalukuyan. Layunin ng nasabing pagbisita ang pag titiyak na nakikilahok ang mga kapatid na katutubong Mangyan sa mga gawain ng Kalahi CIDSS. Kasama ang deligasyon mula sa Area Coordinating Team (ACT), Regional Program Management Office (RPMO) ng Kalahi CIDSS, at Si Gng. Jane Austria-Young mula sa ADB ay nagsagawa ng mga pagpupulong at pakikipag talakayan sa mga IP Community Volunteers ng Kalahi CIDSS sa Magsaysay, mga punong barangay, at mga Tribal leaders o mas kilala sa tawag na Gurangon mula sa mga tribo ng Hanonoo, Gubatnon, at Ratagnon.

Nagbigay ng pambungad na pagbati si AC Rosalie Frane sa mga mamamayan ng Paclolo sa kanilang pagbisita sa Barangay para sa ADB IP external monitoring visit

Nagsagawa ng Focus Group Discussion si Gng. Austria-Young sa mga katutubong Mangyan upang makuha ang kanilang saloobin sa pagpapatupad ng programang Kalahi CIDSS sa kanilang pamayanan at kung paano sila nakikibahagi dito. Inilahad ng mga katutubong Mangyan ang kanilang kasaysayan at kung paano nila inorganisa ang kanilang pamayanan upang marinig ang kanilang boses at maisulong ang kanilang pangangailangan sa tribo.

Bumisita rin ang deligasyon sa Barangay Paclolo kung nasaan ang mga katutubong Hanonoo Mangayan. Nagsagawa ng Focus Group Disussion sa mga Community Volunteer, mga katutubong mangyan kasama ang mga opisyales ng Barangay Paclolo. Inilahad nila ang kanilang pasasalamat sa DSWD Kalahi CIDSS dahil sa nabigyan sila ng pagkakataon na ma-organisa at maisulong ang kanilang mithiin na magkaroon ang mga katutubo ng isang lugar tipunan na kung tawagin nila ay Balay Tirigsunan at malagyan ng karatula ang palibot ng kanilang lupaing ninuno.

###

Loading