QUEZON CITY – Nagsanay ang 25 opisyales at miyembro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA at Pag-asa Youth Association of the Philippines Inc. (PYAP) sa Emergency Response na hango sa konsepto ng Disaster Trauma sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Layunin ng nasabing training na paigtingin ang kaalaman, kasanayan at kapasidad ng mga kalahok sa pagsasagawa ng iba’t ibang response procedures sa waterborne search, high angle rescue operation, rope and collapsed structure resuce at emergency procedure.

“Ang dami ko pong natutunan sa aming training. Nalaman ko po kung papaano ko ililigtas ang aking sarili at ang aking kapwa sa iba’t ibang klase ng sakuna. Sana mas marami pang makapagsanay sa rescue operation,” ayon kay Irish C. Villarin, Social Welfare Officer I ng Disaster Management Unit.

Ang mga kalahok ay nagsanay sa ilalim ng RESCUE RECON. Ito ay isang joint task force ng National Capital Region Camp Aguinaldo Armed Forces of the Philippines Emergency Response Team na nagpapa ng mga trained rescuers sa buong bansa. Sa ngayon, sila ay nagawaran na ng seal ng Royal Institute of Singapore in Emergency Rescue Service.

Hinahangad ng PYAP at DSWD na sa pamamagitan ng training na ito mas maging handa ang mga kalahok sa pagharap sa mga darating na sakuna at maging instrument sila upang makatulong sa pagsagip sa kapwa.

Loading