MALATE, Manila – Bilang pagpapaigting ng adbokasiya para sa mga senior citizens, binigyang pugay ng Department of Social Welfare and Development – Social Pension Program ang mga Ulirang Nakatatanda sa MIMAROPA, ika-10 Nobyembre 2017.

Nagwagi si Josefa M. Leal ng Mogpog Marinduque sa Basic Category; Corazon C. Manalo, Calapan Oriental Mindoro sa professional category; Luzicita F. Fabella, Odiongan Romblon sa government category at BSMSCA Ornamental Shell Souvenirs Project, Puerto Princesa City Palawan para sa group category.

Gayunpaman, pinarangalan pa rin ang mga runner up sa iba’t ibang kategorya. Hinirang na runner up si Nelia M. Venturillo, Aborlan Palawan para sa basic category; Carmelita M. Patiño, Pinamalayan Oriental Mindoro para sa Professional Category at Carmelita Q. Gaud, Victoria Oriental Mindoro para sa government category.

Ang Ulirang Nakatatanda Awards ay isang patimpalak na naglalayong kilalanin ang mga pagsisikap ng mga senior citizens na palawigin ang adbokasiya para nakatatanda at at parangalan ang kanilang pagiging modelo at inspirasyon sa aktibong pagpapaunlad ng pamilya at komunidad.

“Mahalagang ipagdiwang, palawakin, at ipagpugay natin ang kaunlaran ng sektor ng mga nakatatanda dahil malaki ang kanilang kontribusyon sa ating komunidad,” ika ni DSWD MIMAROPA Regional Director Wilma D. Naviamos

Loading