Makati City—Nakilahok ang mga Community Volunteers ng Kalahi CIDSS sa ginanap na Community-Driven Development Workshop noon ika 11 hanggang 13 ng Disyembre 2017 sa Asian Institute of Management Confernce Center sa lungsod ng Makati. Layunin ng nasabing pagtitipon na ipagbunyi ang mga ambag ng community volunteers sa tagumpay ng programamng DSWD Kalahi CIDSS at magbahagi ng mga oportunidad para sa kanila sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa gawaing pangkaunlaran ng komunidad.
Ang nasabing pag titipon ay dinaluhan ng mga community volunteers mula sa mga probinsya ng Silangan at Kanlurang Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan. Sinamahan rin sila ng mga panauhin mula sa Regional Program Management Office ng DSWD Kalahi CIDSS MIMAROPA, kabilang na rito ang Deputy Regional Program Manager na si Gng. Maria Liza Peraren, na nagbahagi ng kanyang pambungad na pag bati at pagpupugay para sa mga aktibong Community Volunteers ng DSWD Kalahi CIDSS.
Ginanap rin sa nasabing pagtitipon ang 4th Regional Bayani Ka Awards! Kung saan pinarangalan ang mga mahuhusay na Operation ang Maintenance groups at mga barangay na katuwang ng DSWD Kalahi CIDSS sa pangangalaga ng mga naitayong proyekto at pag-sisigurado na mapapanatili ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa local na pag paplano at pag dedesisyon sa pamayanan.
Kinilala ang mga sumusunod na grupo bilang mga Bayani Ka Awardees:
- Magsaysay Federation of Community Development Advocate mula sa Magsaysay, Kanlurang Mindoro
- Samahan ng mga Maliliit na Mangingisda ng Kay Duke (SAMAMAKAY) Organization mula sa bayan ng Torrijos, Marinduque
- Sitio Calusa Water Sanitation Association mula sa Cagayancillo, Palawan
- Barangay Payanas mula sa Torrijos, Marinduque
Binigyan rin ng natatanging parangal sila Gng. Francisco Mampay, at Gng. Nixon Tinao bilang mga huwarang Community Volunteers ng Kalahi CIDSS.
###