Kasabay ng saliw ng mga makukulay na bandiritias, matagumpay at masiglang ipinagdiwang ng mga opisyal at kawani ng Department of Social Welfare and Development MIMAROPA ang ika-67 Anibersaryo ng departamento.

Opisyal na binuksan ni Regional Director Wilma D. Naviamos ang nasabing anibersaryo ng maghatid siya ng mensahe tungkol sa tema ng taong pagdiriwang ng anibersaryo: “ Walang Puwang sa Katiwalian ang Tapat ng Paglilingkod Sa Bayan.”

“Ang pagdiriwang na ito ang magisislbing paalala sa atin na ang serbisyong binibigay natin sa ating mga benepisyaryo ay kinakailangang tapat, walang halong panlilinlang at korupsyon,” ani RD Naviamos.

Kaakibat ng tema ng matapat na paglilingkod, sama samang nagsagawa ng 1 Billion Rising Dance ang mga kalahok bilang pagsuporta sa walang katiwaliang pagsusulong ng karapatan at adbokasiya para sa mga kababaihan.

Bukod pa rito, naghanda ng Photo exhibit ang Social Marketing Unit (SMU) na pinamagatang: Larawang ng Tagumpay.

Ang nasabing exhibit ay nagpapakita ng mga paglalayag, paghihirap, at pagsisikap ng mga benepisyaryo upang makamit ang buhay na kanilang tinatamasa sa tulong ng iba’t ibang programa at serbisyo ng departamento.

Iprinesenta rin ang iba’t ibang karangalang natanggap ng rehiyon sa iba’t ibang kompetitsyon tulad ng pagiging kampyon sa SLP Bangon Kabuhayan at Pantawid Pamilya Search for Exemplary Children. Gayundin, ang mga

Nagtayo rin ng Bazaar ang Sustainable Livelihood Program kung saan ipinakita ang iba’t ibang produkto ng mga benepisyaryo mula sa MIMAROPA.

Pinangunahan naman ni Asistant Secretary Aleli B. Bagawan ng Office of the Secretary Group (OSG) katuwang sina RD Wilma D. Naviamos, ARDo Florecelli G. Gunio at ARDA Joel S. Mijares,  ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong bagong apat na palapag na gusali ng DSWD at ‘blessing’ ng bagong SMU Office na sumisimbulo sa convergence ng mga programa ng DSWD.

“Malapit sa akin ang MIMAROPA dahil mahal na mahal ko ang mga kapatid nating Mangyan. Nagpapasalamat ako sa inyo sa patuloy ninyong pagaalaga sa kanila sa kabila ng mahirap ninyong pinagdadaan maparating lamang sa kanila ang ating serbisyo,” ito ang makapagbabag damdaming mensahe ni ASEC Aleli ng bigyan siya ng menshae

 

Pagkatapos ng mensahe ni ASEC Aleli, nagtipon tipon ang lahat upang paigitingin ang pagsasamahan sa pamamagitan ng pagasalo salo ng pagkain sa isang ‘boodle fight’.

Sa ikalawang araw ng pagdiriwang, pinangaralan naman ang iba’t ‘partners’ ng DSWD na naging katuwang sa matapat at matagumpay na pagiimplementa ng programa at serbisyo ng departamento sa iba’t ibang probinsya ng MIMAROPA.

Panata ko sa Bayan Awards (National Entries):

Praise National

  • Best Operations Office – Supplementary Feeding Program
  • Best Crisis Intervention Unit – MIMAROPA Crisis Intervention Unit

Salamat Po Award

  • Best NGO – Ruel Foundation Phils. Inc.

GAPAS Award

  • Model LGU Implementing Day Care Services – San Jose, Occidental Mindoro
  • Model LGU Implementing KALAHI-CIDSS – Calatrava, Romblon
  • Model LGU Implementing Protective programs and services – Province of Oriental Mindoro
  • Model LGU Implementing SLP MicroEnterprise Development – Looc, Romblon
  • Model LGU Implementing Employment Facilitation-Brooke’s Point, Palawan
  • Best Convergence Initative – Naujan, Oriental Mindoro

Samantala, hinarana at hinandugan naman ng video ang mga “Loyalty Awardees” na matagal at matapat na nagsilbi sa departamento:

  • Floreceli G. Gunio (40 taon ng serbisyo)
  • Annabelle U. Vargas (30 taon ng serbisyo)
  • Severino S. Taduran (25 taon ng serbisyo)
  • Monina D. Pechon (20 taon ng serbisyo)
  • Shiela S. Tapia (20 taon ng serbisyo)
  • Maricel F. De La Vega (10 taon ng serbisyo)
  • Sheila D. Sarabia (10 taon ng serbisyo)
  • Irish C. Villarin (10 taon ng serbisyo)

Karangalan naman ng rehiyon na mapaunlakan ang imbetasyon kina Undersecretary Maria Lourdes Turaldee-Jarabe ng Operations and Programs Group –Promotive Programs at Undersecretary Hope V. Hervilla ng Disaster Response Management na makilahok sa kanilang pagdiriwang.

Nagbigay ng buong suporta at inspirasyon sina USEC Turalde-Jarabe at USEC Hope sa patuloy na paglilingkod sa bayan ng mga kawani ng DSWD MIMAROPA ng ‘May Malasakit at Walang Puwang sa Katiwalian. “

Samantala nagbigay naman ng mga testimonial sina Jecille Arah M. Costales at Mary Jane Gaito ng MANHAK Association ukol sa kanilang mga pinagdaanan upang makamit ang titulong National Pantawid Pmailya Exemplary  Child 2017 at kampyon sa SLP Bangon Kabuhayan.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang, pinasalamatan ni RD Naviamos ang lahat ng kawani na nagtulong tulong upang maging matagumpay ang pagdiriwang ng Anibersaryo at ang mga partners sa kanilang walang sawang pagsuporta sa departamento. ###

Loading