“Matagal, nakakakaba, nakakapagod na proseso, pero sa huli sulit ang paghihintay at paghihirap, dahil sa wakas, buong buo mo ng matatawag siyang… Anak,” wika ng isang ama ukol sa kanilang paglalakbay tungo sa legal na pag-aampon.
Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development MIMAROPA, nagtipon-tipon ang mga pamilyang hindi man magkakadugo ay pinagbuklod-buklod naman ng puso sa ‘Regional Conference on Adoption’, Sabado, ika-5 ng Mayo 2018.
“Pagmamahal Palaganapin, Legal na Pag-aampon Ating Gawin” ito ang tema na nais paigtingin at palaganapin sa nasabing aktibidad.
“Personal sa akin ang adoption. Kasi ang aking brother ay childless. At ang isa ay naglakas ng loob na mag-ampon ng bata. Mahalaga ang legal na pag-aampon para maprotektahan ang kapakanan ng mga bata,” wika ni Regional Direktor Wilma D. Naviamos sa kanyang Opening Remarks.
Sa mensahe naman ni DSWD Officer-In-Charge (OIC) Emmanuel A. Leyco na ipinahayag ni DSWD Protective Services Bureaur (PSB) Director Ma. Alicia Bonoan, inilatag niya ang kahalagan ng legal na pag-aampon sa kabutihan, kaligtasan at siguridad ng ‘adopted child’.
“May katagalan ang proseso ng legal na pag-aampon, pero alam natin na mahalaga ito at kailangang daanan. Ang pagpapaloob natin sa prosesong ito ay napakahalagang patunay din na talagang gusto nating mag-ampon at seryoso tayo sa ating layuning magbigyan ng mapagmahal na tahanan ang mga batang nawalan ng mga magulang dahil sa iba’t-ibang kadahilanan,” mula sa mensahe ni DSWD OIC.
Samantala nagbahagi naman ng kaalaman ang iba’t-ibang Resource Speaker ukol sa Causes and Implication of Adoption Disruption na ipinaliwanag ni Ms. Ma. Alicia S. Bonoan, Director of Protective Services Bureau; Post Adoption Servcies ni Ms. Maricel M. Barnedo, DSWD-NCR; Challenges and Difficulties in the Finalization of Adoption na ibinahagi ni Mr. Fredrick G. Separa, Presiding Judge ng RTC Branch 118 Navotas City Adoptive Parent; Benefits of Adoptive Families ni Ms. Melanie R. Lucszon, PhilHealth at; Effectiveness of E-book in Adoption Telling na ibinahagi ni Ms. Cecilia Velez, Adoptive Mother.
Upang malinaw naman ang mga isyu at tanong ng mga adoptive parents, nagkaroon ng open forum na sinagot ng mga focal persons mula sa iba’t ibang ahensya na gobyerno na sumusuporta sa legal na adoption.
Sa huli, pinarangalan naman ang mga nagwagi sa Poster Making Contest:
- Mayshelle Janzenne Reyes from Ramon Magsaysay (Cubao) High School – “Legal na Paraan ay Gawin sa Pag-ampon ng Bata Upang Pagmamahal at Pag-aaruga sa Kanya ay Di Mabalewala” (Grand winner)
- Johann Fredrich Dipasupil from Bauan Technical High School – “Magkaibang Dugo, Iisang Puso (1st runner up)
- John Emmanuel Morales from Paradise Farms National High School – “Ang Paglaya sa Tanikala ng Kalungkutan” (2nd runner up).
Nagpasalamat ang DSWD sa lahat ng nakilahok sa nasabing aktibidad at sa lahat nagsusulong sa Legal na Pag-aampon. ###