Tinanggap ni Jennel Maquiñana ng DSWD Listahanan ang certificate of recognition mula sa mga opisyales ng PSA MIMAROPA.

CALAPAN CITY-  Tumanggap ng pagkilala ang DSWD MIMAROPA mula sa Philippine Statistics Authority o PSA MIMAROPA bilang nanguna sa patimpalak sa statistical exhibit  bilang bahagi ng 29th National Statistics Month (NSM) kahapon, Oktubre 27.

Ipinakita ng DSWD ang mga estadistika ukol sa mga mahihirap na sambahayan o profile of the poor sa rehiyon  na nakalap ng Listahanan sa isinagawang 2015 Household Assessment.  Ayon sa nasabing talaan, umabot sa 584,562 ang kabuang bilang ng sambahayang sa limang probinsya ang natasa. Mula sa bilang na ito, 221,324 o 37.9 porsyento ng mga sambahayan ang natukoy na mahihirap.

Ang nasabing pagkilala ay iginawad kahapon bilang opisyal na pagtatapos ng selebrasyon ng statistics month.

Loading