Mga representante mula sa iba’t ibang sangay ng pamhalaan at sektor ng lipunan.

ODIONGAN ROMBLON- Kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – MIMAROPA Region ang ilang stakeholders at partners nito sa pamamagitan ng 2018 Gawad Listahanan na ginanap sa nasabing bayan nitong Martes, November 27.

Ang mga nasabing parangal at pagkilala na ibinigay ng DSWD-MIMAROPA ay bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta sa mga awardee sa Listatahan database at iba pang proyekto ng nasabing departamento.

Ilan sa mga kinilala ng DSWD-MIMAROPA ay ang local government units ng Puerto Galera sa Oriental Mindoro; Brooke’s Point at Rizal sa Palawan; at ang Provincial Government ng Romblon dahil sa commitment ng mga ito sa DSWD na gamitin ang Listahanan databse.

Kinilala rin ang Philippine Statistics Authority-MIMAROPA, National Economic and Development Authority-MIMAROPA, at Philippine Health Insurance Corporation-MIMAROPA bilang pinaka-supportive na National Government Agency sa buong MIMAROPA.

Samantala, ang Romblon State University, Marinduque State College, Occidental Mindoro State College, Mindoro State College of Agriculture and Technology, Divine Word College of Calapan, Palawan State University – PPC Campus, Western Philippines University – Aborlan Campus, ay kinilala rin ng Department of Social Welfare and Development – MIMAROPA dahil sa suporta ng mga ito sa ginanap na 2015 Listahanan road show sa kanilang mga campus.

Pinarangalan rin ng DSWD-MIMAROPA ang Romblon News Network bilang Best Online Media Network sa MIMAROPA, dahil sa pagtulong nito sa departamento na ipaalam sa publiko ang mga programa, aktibidad, at accomplishments ng mga ito. Gayun rin ang government media na binubuo ng Philippine Information Agency – Romblon, Philippine Information Agency – Palawan, Philippine Information Agency – Oriental Mindoro, Radyo Pilipinas – Palawan, at Philippine News Agency – Palawan.

Samantala, kinilala rin bilang Romblon’s best Convergence Initiatives ang Municipal Action Team (MAT) ng bayan ng Odiongan, samantalang first runner-up ang MAT ng bayan ng Ferrol, sinundan ng MAT ng bayan ng Magdiwang at MAT ng bayan ng Santa Fe.

Ang Listahanan o kilala ring National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay isang information management system kung saan pwedeng malaman ang mga miyembro ng poorest sector at kanilang mga lugar.

Malaking tulong umano ito sa national government agencies, at local government units sa pagtukoy ng posible nilang beneficiaries sa kanilang mga programa.

Source:  Romblon Network News

Loading