Noong ika-30 ng Setyembre 2018, ang Bangbangalon Consumers Cooperative (dating Bangbangalon SLP Association) ng Boac, Marinduque ay nagsagawa ng sama-samang pagsasaayos at pagpapaganda ng kanilang munting opisina. Munti mang maituturing, ito ay nagsisilbing tahahan kung saan magsisimula ang mga pangarap ng pagsulong at pagtawid mula sa kahirapan.

Ang bawat miyembro ay naglaan ng kani-kanilang oras upang maisaayos ang kanilang opisina. Ayon kay Ginang Anelor M. Lamoc, chairperson ng kooperatiba, “dito ilalagak ang lahat ng kagamitan ng kooperetiba na ginamit sa negosyong catering. Dito rin ginagawa ang paghahanda at pagluluto ng pagkain. At ngayong maayos na, maaari na din kaming makapagpulong dito buwan-buwan.”

“Para mapalago ang ibinigay na tulong sa amin ng gobyerno, kailangan naming maghanap pa ng ilan pang mga pagkakakitaan tulad ng mga tindahan o mga processing [center] para mayroong alternatibong magagawa pang iba hindi lang catering at feeds retailing,” dagdag pa niya.

Ikinuwento naman ni Ginang Mercedita Oracion, cook ng kooperatiba, “nakatulong sa aking pamilya ang samahan dahil sa ako ang tumatayong cook sa aming catering.  Ako rin ay isa sa mga nakaka-attend ng mga libreng seminar ng DSWD at sa ngayon willing pa din akong dumalo ng mga seminar para madagdagan ang aking kaalaman.“

“Gusto kong magpasalamat sa DSWD, sa tulong na ibinigay nila sa amin ngayon na malaki talagang kaalwanan sa amin. Kung baga po sa mga naghihirap na hindi makatugon sa pag-aaral ng mga anak. Gusto po namin magpasalamat sa inyo nang lubos lalung-lalo na po sa aming dating PDO na si Sir Adonis (Provincial Coordinator sa ngayon) kahit po kami ay pasaway, kami po ay tinutukan niya,” madamdaming pasasalamat ni Ginang Anelor. Bukod sa teknikal na kaalaman, kooperasyon at pagkakaisa ang ilan sa mga mahahalagang katangian na dapat matutunan ng bawat myembro ng isang samahan upang sila ay umangat sa kahirapan. ###

 

Contributor:

John Paul B. Abaincia, Project Development Officer II, Marinduque

Loading