Inilunsad ng DSWD MIMAROPA Pantawid Operations Unit noong ika-14 ng Hulyo 2020 ang una nitong online capacity building session.

Gamit ang makabagong teknolohiya, hangad ng webinar na mapaunlad ang kakayahan ng mga staff, Civil Society Organization (CSO) partners at Parent Leaders (PLs) na patuloy na inaabot sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Vincent Dominic Obcena, Regional Program Coordinator ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD MIMAROPA, ito ay isinasagawa bilang paghahanda o retooling sa mga staff, partners at PLs tungo sa new normal.

Unang tinalakay ang Project Development and Management (PDM) Coaching and Mentoring session na dinaluhan ng 73 Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) Project Development Officers (PDOs) ng DSWD MIMAROPA.

“Sa ganitong mga paraan, nakadadalo kami sa mga learning sessions kahit na nasa opisina o bahay lang. Gaya nitong PDM, natutunan namin ang wastong pagpapatupad ng mga proyekto sa pamamagitan ng tamang intervention mula sa atin sa DSWD”, ani ni Jerry Macadaeg, PDO II mula sa Rizal, Occidental Mindoro.

Layunin ng PDM Coaching and Mentoring session na mapaunlad ang kakayahan ng mga staff upang makapagbigay ng magandang kalidad ng serbisyo at proyekto para sa mga katutubong benepisyaryo ng programa.

Ang susunod na webinar ay para naman sa mga Social Workers upang matulungan nila ang mga PLs sa pagpapatakbo ng Family Development Sessions (FDS) ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. ###

Tuloy-tuloy na paglinang at pagpapa-unlad ng kakayahan. Sa pangunguna [mula sa kaliwa] ni Maria Consuelo Gonzales, Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) Coordinator kasama nina John Paul Abaincia, Indigenous People (IP) Focal, at Ma. Ghiezhel Cumigad, Training Specialist, tagumpay na naisagawa ang unang webinar ng DSWD MIMAROPA Pantawid Operations Unit.

 

Physical distancing pa din. Habang dumadalo sa webinar, naka-physical distancing ang mga staff ng Balabac, Palawan DSWD Municipal Operations Office upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

 

 

 

 

Online Coaching at Mentoring sessions sa gitna ng COVID-19 Pandemic. Nakalatag na ang mga susunod pang webinar para sa tuloy-tuloy na pagpapaunlad ng kakayahan ng mga staff, PLs, at partners ng DSWD MIMAROPA.

Loading