Iba’t ibang aktibidad  sa ilalim ng temang: “Agriculture and PCIC Brings Agri-Insurance to Livelihood Assistance Grant Beneficiaries(LAG)” isinagawa  noong ika-11 ng buwan ng Marso, sa Barangay ng Buyabod, Santa Cruz Marinduque na dinaluhan ng mga benepisyaryo ng LAG mula sa nasabing barangay at karatig lugar nito na Brgy.  Lapu-lapu. Ito ay sa pakikipagtulungan ng DSWD MIMAROPA sa iba’t ibang  katuwang na tanggapan upang masiguro ang kalidad ng serbisyo na naibibigay sa mga kalahok ng programang nais paunlarin ang kanilang mga kabuhayan.

Ang Municipal Agriculture Office (MAO) ay  nagkaroon ng oryentasyon para sa  Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at ang benepisyong binibigay ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), isang sangay ng pamahalaan na naglalayong gabayan ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangigisda tungo sa pag-unlad ng kanilang komunidad. Kasabay nito ang libreng pagpaparehistro at pagpapainsured ng mga kalahok upang  masiguro na ang kanilang mga alagang hayop, mga bangka, taniman ng kanilang proyekto ay protektado laban sa peste, at mga kalamidad.

Nagbigay din ng oryentasyon ang Cebuana Lhuillier patungkol sa micro-savings at micro-insurance bilang programa ng kanilang institusyon na makatutulong din sa pagpapaunlad ng mga napiling livelihood projects ng mga lumahok.

Binigyang diin din ang kahalagahan ng tamang pagiipon ng kita mula sa mga napiling proyekto ng mga kalahok at pagsasabuhay ng  sikat na kasabihan na “kapag may isinuksok may madudukot”.

Katuwang din ang Sangguniang Barangay ng Buayabod sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Armando Paredes sa kanilang walang sawang suporta ng pagsasakatuparan ng mga aktibidad ng SLP Marinduque na pinangungunahan naman ni Provincial Coordinator Adonis Analista at PMEO Marieta Manzo.

Mula sa PagSibol, Hanggang sa PagSulong!

 

SLP Marinduque, Partners at mga LAG Beneficiaries

 

Libreng pagpaparehistro ng mga benepisyaryo

 

contributor: Fatima Concepcion Pelaez, SLP PDO II

 

 

Loading