Matagumpay na naisagawa ang Pugay-Tagumpay Ceremonial Rites noong Mayo 12, 2023 para sa 197 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa Roxas, Palawan kasama ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan bilang pagkilala sa pagsisikap ng mga benepisyaryo na makatawid tungo sa kaunlaran.

Ang Pugay-Tagumpay ay naglalayong kilalanin at pahalagahan ang pagsisikap ng bawat benepisyaryo ng 4Ps sa pagkamit ng self-sufficiency na antas na pamumuhay kung saan sila ay maituturing nang non-poor. 

Ayon sa batas ng 4Ps, ang isang sambahayan ay kailangan nang umexit o umalis sa programa kung (a) wala nang batang edad 0-18 na maaaring i-monitor o irehistro sa programa at (b) nasa level 3 na ang buhay o maayos na kaya’t hindi na kailangan pa ng pagsuporta mula sa programa.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan ng iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan, mga opisina ng gobyerno, at ilan sa mga partners mula sa pribadong sektor. 

Naghatid naman ang lokal na pamahalaan ng Roxas ng kanilang buong suporta sa mga grumaduate na sa programa sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng LGU. 

Ang pag-endorso sa LGU ng mga paalis na benepisyaryo ay bahagi ng implementasyon ng Kilus Unlad Framework o gabay upang mapabuti ang pamumuhay ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa loob ng 7 taon. Ang nasabing LGU na ang magpapatuloy ng pagsuporta sa sambahayan upang masiguro na hindi na sila muli pang babalik sa kahirapan. #

Loading