Umabot na sa mahigit limang daang (500) natukoy na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na kabilang sa Indigenous People (IPs) mula sa bayan ng Abra De Ilog at San Jose, Occidental Mindoro ang nakatanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng Enhanced Support Services Intervention (ESSI) noong Oktubre 9, 2023 at magpapatuloy hanggang sa susunod na buwan.
Ang pondo ay nakalaan para sa pagbili ng materyales o produktong kinakailangan base sa kanilang napiling kabuhayan. Kabilang na rito ang pagbebenta ng basic commodities gayundin ang banana, vegetable/root crop, at rice productions.
Tinatayang nasa 1,899 na benepisyaryong katutubo mula sa Occidental Mindoro ang tatanggap ng puhunan na may kabuuang halaga na P12,261,000.00.
Ang ESSI ay isa sa mga intervention ng 4Ps para sa mga katutubong nasa malalayong lugar at homeless families na layuning makapagbigay ng karagdagang tulong sa pamamagitan ng livelihood assistance at income generating projects, mga seminar upang mabigyan sila ng dagdag kaalaman, small-scale community project, o alternative family home (AFH) na nagbibigay ng subsidiya para sa pabahay para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Para naman sa ibang probinsya ng MIMAROPA, magsisimula na rin ang pamimigay ng tulong-pinansyal sa mga susunod na buwan.
##

 

Loading