Sa hangaring palakasin at bigyang-boses ang kabataan sa ating lipunan, gayundin ang    pagyamanin ang kanilang holistikong pag-unlad, patuloy na nagsasagawa ng Youth Development Session (YDS) ang mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program Municipal Operations Offices (4Ps MOOs) sa bawat munisipalidad sa rehiyon ng MIMAROPA para sa mga kabataang 4Ps.
 
Noong Marso 5, 2024, matagumpay itong naisagawa ng MOO Gloria, sa probinsya ng Oriental Mindoro, kasama ang 304 na mga mag-aaral na 4Ps sa Manuel Adriano Memorial National High School (MNHS) katuwang ang Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), Municipal Health Office (MHO), Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd) sa munisipalidad.
 
Tinalakay ni PCpl. Cheyserr Anne R. Arriola at MHO Officer Ma. Christina Quitain ang tungkol sa isyung panlipunan na laganap sa kabataan kagaya ng Rape and Violence Against Women and Children (VAWC) cases pati na rin ang patuloy na pagtaas ng mga bilang ng kabataan na napapabilang sa Teenage Pregnancy.
Bukod dito, nagsagawa rin ng YDS noong Marso 8 ang MOO San Jose, Occidental Mindoro kasama ang 157 na kabataang 4Ps na nag-aaral sa San Jose National Agricultural and Industrial, San Jose, Occidental Mindoro. Kasabay ring ginanap ang YDS sa Paluan National High School kasama ang mahigit-kumulang na 60 Grade 7 na kabataang 4Ps na tinalay ang YDS Journey: Building my Youth Community.
 
Aktibo ring nakiisa ang mga kabataang 4Ps sa Brgy. Pulot Interior, Sofronio Española, Palawan noong Marso 9 sa isinagawang YDS katuwang ang Sangguniang Kabataan at BLGU ng nasabing barangay na nakasentro sa mahalagang paksa na “Spiritual Strengthening for Mental Health” sa pangunguna ni Pastor Jerry Baylon.
 
Samantala, sinisigurado ng Departamento na regular itong naisasagawa para sa mga kabataang 4Ps sa MIMAROPA bilang isa itong interbensyon ng Programa na nakatutok sa kanilang mga kailangang kaalaman, kakayahan, at karanasan upang mas makilala ang kanilang mga sarili, at kanilang mahinahuna na ang bawat indibidwal ay may magagawang kontribusyon sa pagpapaunlad ng lipunan.
 
Isa rin itong pamamaraan upang mahikayat na bumalik sa pag-aaral ang mga Not-Attending School (NAS) children o ang mga kabataang hindi nag-enrol sa paaralan o mga drop-outs.
 
Lubos namang nagpapasalamat and DSWD Field Office MIMAROPA sa mga katuwang nitong sangay ng gobyerno at maging sa mga non-government organizations and individuals na silang tumutulong para mas lalong mapalawak ang naihahatid na serbisyo sa bawat benepisyaryo ng Programa.

Loading