MALATE, MANILA — Bilang karagdagang tagumpay ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), tatlong dating 4Ps monitored child ang nanguna sa listahan ng mga nakapasa sa Licensure Examination for Teachers nitong Marso 2024.

Mula sa kabuuhang bilang na 130,744 (elementary at secondary levels) na kumuha ng nasabing eksaminasyon, 20,890 ang nakapasa sa elementary level habang 50,539 naman sa secondary level. Kabilang rito ang tatlong Mindoreña/o na nakakuha ng matataas na marka.

Nakamit ni Clarence Joy DS. Salmorin at Christian Albert B. Paskil ang karangalan na mapabilang sa topnotchers ng nasabing board exam sa secondary level matapos makuha ang ika-limang pwesto na may average na 91.80%; habang nakuha naman ni Jennifer G. Manrique ang ika-siyam na pwesto na may average na 90.80% sa elementary level.

Mula sa bumubuo ng Department of Social Welfare and Development Field Office MIMAROPA, isang mainit na pagbati para sa mga masisipag at determinadong benepisyaryo ng 4Ps na nagkamit ng katangi-tanging karangalan. 

Ang inyong tagumpay ay isang inspirasyon ng tunay na sipag, dedikasyon at pagsusumikap sa patuloy na pagkamit ng 4Ps sa layunin nitong putulin ang siklo ng kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon.

Lubos namin kayong ipinagmamalaki at hangad ang isang maligaya, masagana at ligtas na buhay! 

##

Ilan lamang silang tatlo sa humigit-kumulang 100 na aktibo at/o dating benepisyaryo ng 4Ps na nakapasa sa LET nitong Marso 2024. Abangan ang mga susunod pang istory para sa mga kaugnay nitong balita. 

#4PsMIMAROPA
#PantawidPamilyangPilipinoProgram
#DSWDMIMAROPA
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Loading