๐๐ฎ๐ž๐ซ๐ญ๐จ ๐๐ซ๐ข๐ง๐œ๐ž๐ฌ๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง โ€” Umabot sa 30 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nahandugan ng libreng gamot at konsultasyong sa isinagawang Medical Mission sa Brgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan noong Hunyo 11, 2024.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Brgy. Mandaragat, Grand Puerto Princesa Eagles Club, PH Cares, at ng Pamahalaan Panlalawigan ng Palawan, matagumpay na isinagawa ang Medical Mission na naglalayong mapanatili ang alalayan sa bawat mamamayang Pilipino sa lahat ng pagkakataon lalo na sa usapin ng kalusugan.ย 

Binigyang prayoridad sa aktibidad na ito ang mga 4Ps beneficiaries, mga matatanda, PWD, buntis, bata at sanggol na nagkaroon ng ibaโ€™t-ibang laboratory testing, konsultasyon sa ibaโ€™t ibang eksperto, at nakatanggap ng angkop na gamot at bitamina.

Ayon sa mga benepisyaryo, buong pusong kagalakan ang hatid ng serbisyong ito sa kanila dahil sa pagkakataong makapagpakonsulta nang walang bayad at mapagkalooban ng libreng gamot at bitamina para sa kanilang mga anak.ย 

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng Kagawaran sa mga katuwang ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pagkalinga at pag-alalay sa mga benepisyaryo nito upang mas lalong mapabuti at mapaganda ang kanilang kalagayan sa buhay.

Loading